MARIANNE Maaga pa naman kaya nandito lang muna ako sa room namin para magpahinga. Hawak ko ang tiyan ko dahil hindi talaga ako makapaniwala na buntis ako. Masaya talaga ako sa balita na natanggap ko. Sana lang ay maging masaya rin ang fiancee ko kapag malaman niya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Magiging tatlo na ang anak namin kaya sure ako na mas magiging maingay na itong bahay namin. Nakahiga ako dito sa kama namin pero hindi naman ako makatulog. Kanina ay gusto kong matulog pero nawala naman ang antok ko. Nakatitig na lang tuloy ako sa kisame. Hindi ko alam kung kailan ba ang kasal namin dahil ang sabi sa akin ay pag-uusapan pa naming dalawa. Kung ako ang tatanungin ay wala namang problema sa akin. Masaya naman ako na magpapakasal ako sa kanya lalo na ngayon na magkakaanak kami. Sigu

