MARIANNE “Gaano mo kakilala ang kaibigan mo?” Tanong ko kay ninong na naging dahilan para kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. “Sinong kaibigan, baby?” “Si—wala po, sorry. Don't mind me,” sabi ko sa kanya. “Okay ka lang ba, baby? Gusto mo na bang magpahinga?” malambing na tanong niya sa akin. “Okay lang ako,” sagot ko sa kanya. “Kapag gusto mo ng magpahinga ay sabihin mo lang sa akin,” sabi niya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya. Kinain ko ang mga pagkain na kinuha niya para sa akin. Tumabi sa akin si Alden kaya naman sinubuan ko na rin siya. Sabay kaming dalawa na kumain habang si Anica naman ay busy sa mga pinsan niya. Mga dalaga na rin ang iba kaya talagang mga kasundo niya. “Gusto mo pa, baby?” tanong ko kay Alden. “Opo, mommy.” nakangiti na sagot niya sa akin. “S

