MARIANNE “Walang mangyayari sa akin. Pero alam mo ba, may kakaiba kanina.” sabi niya sa akin. “Anong kakaiba?” “Para kasing kamukha mo ‘yung isang babae na tauhan ni Val,” sabi niya sa akin na nagbigay sa akin ng kakaibang kaba. “T–Talaga?” pinipilit ko na ituwid ang salita ko pero hindi ko magawa talagang nautal ako. “Tell me, may hindi ka ba sinasabi sa akin?” tanong niya sa akin. “Ano naman ang hindi ko sasabihin sa ‘yo? May dapat ba akong sabihin?” tanong ko rin sa kanya. Wala akong sasabihin sa kanya hanggang sa matapos na ang misyon ko. Alam ko ang mangyayari kapag nalaman niya ang tungkol sa akin. Pagbabawalan niya akong lumabas, mag-aaway kaming dalawa at baka maghiwalay pa kami. Mas pipiliin ko muna ngayon na itago ang lihim ko para matapos ko ang trabaho ko. Ayaw kong sab

