MARIANNE Bago tuluyang bumukas ang pintuan ay mabilis ko siyang tinulak. Buong lakas ang naging pagtulak ko sa kanya. “Daddy, ate, kain na po tayo.” nakangiti na sabi ni Alden. “Tara na, baby.” sabi ko sa kinakapatid ko na para bang walang nangyaring kakaiba sa amin ng daddy niya. Mabuti na lang talaga at hindi na siya nagtanong pa sa akin. Nauna kaming lumabas kaysa kay ninong. Nakarating na kami sa hapagkainan ay hindi pa rin nakasunod sa amin si ninong. Nagrereklamo na ang mga anak niya pero hindi pa rin siya bumababa. “Ate, nag-away po ba kayo ni daddy?” tanong sa akin ni Alden. “Hindi po,” sagot ko sa kanya. “Ang tagal naman po ni–” “Kain na tayo,” sabi ni ninong na kakapasok lang dito sa dining area. “Ang tagal mo po, daddy.” sabi ni Anica. “May ginawa lang ako. Sana nauna

