MARIANNE “Gusto mo bang lumabas tayo?” tanong niya sa akin kaya napalingon ulit ako sa kanya. “If you want lang naman,” sabi niya sa akin. “Ngayon mo ako niyayaya na ganito ang kalagayan ko?” tanong ko sa kanya habang seryoso ang mukha ko. “Ngayon kasi wala ang mga bata,” sagot niya sa akin kaya kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. “Kapag nandito sila ayaw mo akong lumabas–” “It’s not like that, concern lang ako sa safety mo. “Sana kahit minsan ay hayaan mo naman akong lumabas. Gagawin mo na lang ba akong bilanggo dito, I mean kapag hindi ako pilay. Niyaya mo nga ako, pilay naman ako.” sabi ko sa kanya. “Sa pupuntahan naman natin ay hindi ka naman maglalakad kaya hindi ka mahihirapan,” sagot niya sa akin. “Talaga? Maganda ba doon?” tanong ko sa k

