MARIANNE “Hindi ba puwede ang suitor with benefits?” tanong niya sa akin na halatang nang-aasar lang. “Pag-iisipan ko,” natutuwa na sabi ko sa kanya pero mabilis siyang kumalas sa pagka-kayakap sa akin ng marinig namin ang boses ni Anica. “Daddy! Where are you?” “Daddy!” “I’m here, sweetie!” sagot ni ninong kay Anica. “Daddy, you’re here lang pala,” sabi ni Anica. “May kailangan ka ba, sweetie?” tanong ni ninong sa anak niya. “Baby, para sa ‘yo.” nakangiti na sabi ko at binigay ko sa kanya ang gatas. “Thank you po, ate.” malambing na sabi niya sa akin. Kinuha niya ito at mabilis niyang inubos ang gatas na tinimpla ko para sa kanya. Nang maubos na niya ito ay ako kinuha ko ito at ako na mismo ang naghugas ng baso. “Daddy, puwede po ba akong sumama kay mommy? Doon na po muna ako,

