MARIANNE “I miss you, baby.” malambing na sabi niya sa akin at niyakap niya ako. “I miss you too,” sabi ko sa taong matagal ko ng hindi nakikita. “Miss mo ako pero hindi ka man lang nagrereply sa mga messages ko,” parang bata na sabi niya sa akin. “Sorry po, busy lang ako kaya hindi ako nakapag-check ng mga messages,” nakangiti na sagot ko sa kanya. “Mabuti na lang at si Libby, sinagot ang message ko sa kanya.” “Hindi naman kasi siya busy. Teka lang kailan ka pala dumating?” tanong ko sa kanya. “Kagabi lang,” sagot niya sa akin. “Baby, may–” Napalingon kami dahil may bigla na lang tumikhim. Ang buong akala ko ay umalis na ang ninong ko pero nandito pa pala siya. Ang seryoso ng mukha niya habang nakatingin sa amin. Si Libby naman ay may kakaibang kinang sa mga mata niya na halatang

