MARIANNE “Oo naman, huhulihin ko siya at sisirain ko ang buhay niya. Makaganti man lang ako sa pagpatay niya sa daddy ko.” seryoso na sabi ko sa kanya. Nakatingin rin siya sa akin at hindi siya kumukurap. “Tell me, may alam ka ba sa pagkamatay ng daddy ko?” tanong ko sa kanya dahilan para matigilan siya. Kitang-kita ko ang paggalaw ng adams apple niya. “What are you talking about?” tanong niya sa akin na talagang nagpapanggap pa siya. “Puwede ba, ‘wag na tayong maglokohan pa dito. Alam ko na may alam ka at alam ko rin na alam mong nasa akin ang isa sa mga tauhan mo na inutusan mo na patayin ako. Sa tingin mo ba talaga ay loyal siya sa ‘yo?” tanong ko sa kanya. “So, alam mo na?” “Oo naman, alam na alam ko na may kinalaman ka sa pagkamatay ng daddy ko. Gagawa ako ng paraan para mahuli

