MARIANNE Kinabukasan ay tanghali na ako nagising. Nasa tabi ko pa rin si Alden at mahimbing pa rin siyang natutulog. Nang bumangon ako ay nakahiga naman sa may couch si ninong. Ibig sabihin ay ayaw niyang tumabi sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin pa. Dahil nakikita ko pa lang ang mukha niya ay naiinis na naman ako sa kanya. Gusto ko sanang bumaba pero wala naman akong pambaba na damit hindi ko naman kasi puwedeng gamitin ang shorts niya dahil maluwag sa akin. Ang laki kasi niyang tao tapos ang mga gamit niya malaki rin. Kahit nga itong t-shirt niya ay nagmukha ko ng dress sa laki. Itong malaking t-shirt lang niya ang suot ko ngayon at okay naman ako. Ilang sandali pa ay gising na siya. Ni hindi man lang niya ako binati o tinapunan ng tingin. Diretso pasok na lang siya sa banyo na

