MARIANNE Dahil sa paulit-ulit na nagpeplay sa utak ko ang sinabi niya kanina na hindi niya ako gusto pero ang katotohanan naman ay ginalaw na niya ako ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi na ako nagdalawang isip na atakehin siya na naging dahilan para matumba siya. “Boss!” sigaw ng mga tauhan niya. “Pretty, sibat na ako!” sigaw sa akin ng kaibigan ko at mabilis na lumabas. “Mayor, mayor, gising po! Gising!” paulit-ulit na sabi ng mga tauhan niya. “Ang hina naman ng mayor niyo,” sabi ko sa mga ito kaya tumingin sila sa akin. “Paano mo nagawa na mapatumba si mayor?” tanong niya sa akin. “Sinunod ko lang ang tinuro kanina,” sagot ko sa kanila. “Talaga po? Kanina lang ‘yon?” tanong pa nila na para bang hindi makapaniwala. “Opo,” sagot ko sa kanila. “Ang astig mo naman. Ang h

