Chapter 16

3357 Words

ELISHA'S POV Hindi ko napigilang mapaiyak habang pinagmamasdan si Flynn na abala sa pakikipag-usap sa mga kakilala niya sa GWU. Halos lahat ay humihingi sa kaniya ng sorry pagkatapos akuin ng Mommy ni Sadie ang pagkamatay nito. Na wala naman talagang kinalaman si Flynn sa nangyari.          Kahit 'yong kaibigan niyang si Rhian na sinasabi ni Flynn na may taglay na kakayahan para makakita ng kakaibang nilalang at makaramdam ng kakaibang enerhiya, nakikisaya na rin para sa kaniya. Kanina kasi, parang ayaw niya akong tantanan ng tingin, na para bang may mali sa akin, na may basehan naman. Sabagay, mukha ngang totoong may extraordinary ability si Rhian. Ramdam ko 'yon kanina nang maghawak-kamay. Kung paano kong naramdaman ang mabigat na itinatago ng kanilang leader na si Annaliese.      

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD