MEI'S POV Pwersahan nila akong pinaluhod sa tapat ng aking hukay habang iginagapos nila ang aking mga kamay sa aking likod. Blangkong emosyon ko silang pinapanood at hinayaan ko lamang silang gawin ang gusto nila sa akin. Subalit hindi ko inaasahang pag iinteresan pa rin nila sina Freon at Eunecia. Si Dean Chicago ay wala na sa katinuan. Sa palagay ko'y natutuwa siyang pagmasdan ang dalawa na nahihirapan. Tulad ko ay nakagapos ang mga kamay nila't nakaluhod pa rin sa putikan. Maging sila ay hindi pinapalagpas ni Deam Chicago. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya ngayon subalit sa nakikita ko ay nagkakaroon na ako nang ideya. Hindi ko gugustuhin na madamay din sila sa gagawin ko, ngunit wala na akong magagawa ngayon. Hindi ko ito pinag isipan noon. Hindi ko inakalang mapapalap

