FENRIZ'S POV Nakabibinging sigawan ang nanaig sa buong field nang malakas na pumito ang referee. Sumenyas agad sa amin si coach at dali-dali kaming natauhan mula sa kinauupuan. Bumuo kami ng pabilog at nakinig sa sinabi ni coach. "Ito ang unang batch ng soccer game! Kailangan nating manalo dito, Panthers! Kailangan nating manalo at magkamit ng matataas na ranggo! Maliwanag ba yun!?" Isa-isa niya kaming pinasadahan ng tingin. "YES COACH!" Buo at malakas naming tugon. Tinaas niya ang kamay sa ere. "Uno! Dos! Tres!" Isa-isa naming pinatong-patong ang ang mga kamay at malakas na sumigaw. "LABAN!!" "Kilos na! kilos! kilos! kilos! Galaw!" Tumakbo kami sa soccer field at lumakas pa lalo ang sigawan at hiyawan ng mga tao sa stadium. "PANTHERS! PANTHERS! PANTHERS!" Nilibot ko ang paningin s

