WENDY'S POV Nang matapos ang kanilang laban ay agad-agad akong tumakbo upang sana'y makalayo. Subalit hindi ko inaasahang hahabulin ako ni Fenriz! Lagot! Takbo-lakad ang ginawa ko. Kung wala lang kirot sa loob ng tiyan ko ay matulin na akong tumakbo. Ngunit dahil sa lagay ko, mabilis akong naabutan ni Fenriz nang makalayo kami sa quadrangle. Hinarang niya ang daan ko dahilan upang mapahinto ako sa pagtakbo. Mariin akong napapikit. L-lagot talaga ako nito! Pawis na pawis na ako sa loob ng suot na mascot at halos hirap na rin ang aking paghinga. Madiin kong nakagat ang ibabang labi dahil sa dumadagundong na kaba sa 'king dibdib. Gusto ko nang lagpasan siya, ngunit ang pagkakaalam niya ay ako si Mei. Malamang ay hindi niya rin ako titigilan na habulin! Akma na sana akong tatalikod nang m

