MEI'S POV Kung kanina ay hindi ako kumurap, ngayon naman ay ilang beses pa akong napakurap habang pinagmamasdan ang kabuuan niya. Gusto ko na lamang patigilan sa pagtibok ang aking puso kaysa maramdaman ang lakas at bilis nang pagdaugdong nito. Bakit.. Bakit ko ba ito kailangang maramdaman? "Not on my f*****g watch." Naroon ang galit na diin sa kaniyang tinig habang dinidiinan ang pagkakakapit sa kamao ni Mal na unti-unti ring inilalayo sa akin. Bakas na bakas ang pagkabigla ni Mal. "Bitawan mo 'ko at huwag kang makisali!!" Ngunit napasinghap ang lahat sa gulat nang mabilis na ibinalibag ni Fenriz patungo sa kalapit na pader si Mal. Kumalabog iyon sa sobrang lakas dahilan upang mapaawang ang bibig ng lahat. "Hell yeah. Who wants to hold your fuckin' filthy hand, anyway?" Matutunog na

