CHAPTER THREE

1644 Words
NAASAR MAN AY  IBINAHAGI ni Yuri sa dalawa ang puno’t dulo ng inis na nararamdaman niya sa pag-aakalang maglalaho na iyon once na masabi niya sa iba. Pero hindi! Lalo lang siyang nanggalaiti dahil naalala niya lang muli ang mga pinagsasabi ni Mateo sa kanya. “Sus! For sure, nagbibiro lang  ang kapitbahay mo na `yon! Not a big deal!” “You know, Yuri. Dapat matuto kang buksan ang isip mo sa mga kalokohang likas sa Pinoy. Half-Filipino ka naman, kaya  for sure makakarelate ka.” “Pero hindi ko talaga gusto ang sense of humour ng Mateo Rosales na iyon! Ibubuka pa lang niya ang bibig niya, nabubwisit na ako! And when he calls me `Yuri-chaaaan~’, it  makes me want to break his neck so hard to shut him up!” Itinaas niya ang mga kamay upang imuwestra ang gusto niyang gawin.  Tinawanan lang nila Rika at Vina ang panggagalaiti niya. “Eh kung kayo kayang dalawa ang una kong sakalain ngayon ha?” “Oh! Teka, hindi kami ang kaaway mo!” “Easy lang, masyado kang hot eh!” “Paano, hindi niyo naman sineseryoso ang pagsisintimiyento ko!” “That’s the point! Seryoso ka na masyado. Kalabisan na kung sasali pa kami. Besides, bakit ba kasi masyado kang nagpapaapekto sa kalokohan ng kapitbahay mong iyon?” “So he doesn’t budge on your rudity at imbis na manginig ay tinatawanan niya lang ang pagtataray mo. Imbis na maki-galit kami, mas tama atang papurihan pa namin ang kapitbahay mong `yon dahil nagagawa niyang salagin ang lahat  ng masasamang-salitang lumalabas sa bibig mo! Iba siya!” Hindi nalang umimik si Yuri. What’s the use? Alam niyang hindi naman siya kakampihan ng mga ito. Naramdamdaman niyang tinapik ni Rika ang balikat niya. “Loosen up, Yuri-chan! Throw away all the negative vibes and attract the positive vibes instead. Smile lang! Huwag masyadong seryoso!” natatawang sabi nito. “Oo nga. Malay mo,  hindi lang positive vibes ang ma-attract mo kundi lalaking gwapo… at macho…” Vina’s voice suddenly trailed off while she is looking somewhere. Mukhang may kung ano itong nakita mula sa glass-paneled wall na nasa likod niya. Lumingon siya at hinawi ang kurtinang nakatabing sa salamin, ngunit wala naman siyang nakitang kung ano man sa labas. “Ano ba `yong tinitingnan mo?” “May gwapo at machong dumaan!” excited na wika nito pagkuwan. “Oh, ayan ka na naman sa gwapo at macho. Subukan mong iparinig kay Naoh `yan, maghahalo ang balat sa tinalupan!” “Wala nang dapat ipagselos si bebe ko dahil, secured na secured na ang relasyon naming dalawa `no! Besides, totoo namang gwapo at macho `yung lalaking nakita kong dumaan kaya vino-voiceout ko lang.” “Yung lalaking gwapo at macho bang tinutukoy mo eh moreno ang balat at parang basketbolista ang tangkad?” wika pagkuwan ni Rika na kalmanteng umiinom ng kape. “Yes! Yes! See! Nakita  mo rin ba, Erika?” “Oo. And he is actually heading to the entrance of GALLERIA.” Nagningning ang mga mata ni Vina saka biglang tumayo. Ngunit imbis na magkumahog na lumabas ng pantry ay nilapitan siya nito upang hilahin sa braso. “Aray! Bakit ka ba nanghihila?!” “Hindi mo ba narinig si Rika, papunta raw yung lalaking gwapo at macho sa entrance! Salubungin mo na!”  “Bakit ako? Ikaw na! Tutal ikaw ang parang sinisilihan diyan sa puwit! Isama mo `tong si Rika tutal hindi niyo naman ako dinadamayan sa dilemma ko. Hayaan niyo akong makapagkape rito mag-isa!” “Eh paano kung prospective buyer ng artwork `yon? Ikaw ang pinakama-PR sa ating dalawa. Pwera na `tong si Erika dahil alam mo namang takot sa stranger ang babaeng `yan.” “Hoy! Sa crowd ako takot, hindi sa stranger. Pero may point si Vina. Ikaw na lang ang lumabas doon Yuri tutal mas magaling kang magbenta.” Bumuntong-hininga si Yuri. Sinasabi lang ng mga itong ma-PR siya, pero ang totoo, matindi rin ang convincing power ng mga ito dahil hayun siya’t napatayo na upang pagbigyan ang mga ito. She already vented out her steam kaya kahit papaano ay umayos na rin ang mood niya.  “Oo na! Sige na! Ako na ang haharap!” Umayos siya ng tayo saka bahagyang inayos ang sarili. “How do I look?” “Pretty! As always!” sabi ni Vina. “Dagdagan mo nalang ng ngiti para pak na pak na ang oriental beauty mo!”ani Rika. Nakahanda na ang ‘oriental beauty’ na sinasabi ni Rika nang lumabas siya ng patry at nagtungo sa reception area. Naroon na ang lalaking tinutukoy ng mga kaibigan niya. Nakatalikod ito sa gawi niya  dahil abala ito sa pagtingin sa mga framed paintings na nakasabit sa  malawak na dingding kaya kahit papaano ay nagkaroon pa siya ng pagkakataon i-assess ito. Moreno at matangkad. Check! Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Although mukha itong rugged sa suot nitong faded jeans at hoodie jacket, hindi maipagkakailang meron itong magndang kaha at proportion na body built kung ang pagbabasehan ay ang lapad ng balikat nito at ang bahagyang pagkakahapit ng manggas sa mga braso nito habang nakapamulsa ang mga kamay nito sa jacket. Macho. Check! Ang tanong nalang ay kung gwapo ka nga… Curiousity strikes her mind in an instant. Hindi siya duda sa taste ng mga kaibigan niya pagdating sa ‘gwapo’. Pero mas mabuting makita  muna ng dalawa niyang mga mata ang kagwapuhan nito bago siya maniwala. “Are you interested in paitings, Sir?”  tanong niya upang ipaalam rito ang kanyang presensya. Inanticipate ni Yuri ang makikita niya nang unti-unting gumalaw ang lalaki paharap sa kanya. She felt more excited now than curious. Aber, patigin nga kung gwapo ka nga. “Not really. I am more into three-dimensional artworks.” Parang gulong na biglang sumagitsit sa kalsada ang excitement  na nararamdaman ni Yuri nang rumehistro sa teynga niya ang nakakairitang dating ng pamilyar na boses na iyon! What the heck?!   PIGIL NA PIGIL NI MATEO ang matawa nang makita ang drastic change sa facial expression ni Yuri nang makita siya. From having that almost Cheshire-Cat-kind-of-smile, her lips suddenly became pursed and her forehead knotted deeply brtween her eyebrows.             “Mukhang ang ‘saya-saya’ mong makita ako, Yuri-chaaan~”             “Hanggang dito ba naman, susundan mo ko para lang mang-inis?! Naghahanap ka ba talaga ng away, ha Mateo?!” “Artwork ang hanap ko, hindi away,” sabi niya. Pagkuwan ay  inilabas niya mula sa bulsa ng jacket niya ang  isang kamay upang hawakan ang figurine na nakadisplay sa center table. Pinagmasdan muna niya iyon bago siya muling bumaling kay Yuri. “And for your information, babae ang sumusunod sa akin, it’s not the other way around. Kung may susundan man akong babae sa tanang buhay ko, that means, she’s too precious I can’t get my eyes off of her.” Tila napahiya ang babae sa sinabi niya kaya bigla nalang itong natigilan. Unti-unting naglaho ang kunot sa noo nito bagaman halata pa rin ang iritasyon sa mukha nito. “Ano bang gusto mo! Bakit nandito ka!” pasikla, hindi patanong na sabi nito sa kanya “Can’t you talk to me a little nicer, Yuri-chan? Hanggang dito ba naman tinatarayan `mo ako? And I am an actual guest to your gallery now.” Napatingin si Mateo sa dalawang babae na lumabas mula sa kungsaan at tinabihan si Yuri. Halos magliwanag ang mukha ng mga ito dahil sa magagadang ngiti ng mgaito. Hindi kagaya ng kapitbahay niya na kulang nalang magdugo ang kabuuan niya dahil sa  talim ng tingin nito sa kanya. “Ho-ho! We’ll take it from here, Yuri-chan!” “We apologize for our dear friend’s behavior, Mr…?” “Mateo Rosales.” “Mr. Rosales, Sir.” “Just call me, ‘Mateo’. Minus the ‘Sir’.” Ibinaba niya ang figurine at nagsimulang humakbang palapit sa mga ito. Gaya ng inaasahan, nag-react agad si Yuri. “Huwag kang lalapit—ouch!” Natigil ito sapagsasalita dahil sabay itong siniko ng mga kasamahan nito sa magkabilang tagiliran. Mateo smiled mischievously while seeing this wildcat neighbor of her being silenced by her coleagues just like that. “My name is Vina, and this is Rika. We own this humble but amazing gallery.” “Welcome to GALLERIA!” “Nice to meet you two,” nakangiting nakipagkamay siya sa mgaito.  Pagkuwan ay binalingan niya ang nakasimagot  na kapitbahay niya. “See this, Yuri-chan? This is what you call, being ‘nice and friendly’. Madali lang naman `tong gawin. Try mo.” Humalukipkip ang babae at tinaasan siya ng kilay. “Sorry, but I don’t want to be nice and friendly to you, Mateo.” “Wait a minute… siya ba `yung kapitbahay mong ikinukwento mo sa amin?!” gilalas na tanong ni Vina. “Kinukwento mo ako sa mga kaibigan  mo?” may panunudyo sa boses niya. Inirapan siya ni Yuri . “Correction. ‘Sinisiraan’ ang tamang term.” Binalingan ni Mateo ang dalawa. “I wonder, anong klaseng ‘paninira’ ang ginawa nitong si Yurika sa akin.” “Naku, marami! Simula sa palagi mong pang-aasar sa kanya, hanggang sa pangengealam mo sa pananahimik niya! Negative ka, Mateo!” sabi ni Vina. “Ang latest nagpapainit sa ulo niya, `yung pagbibilad mo raw ng katawan kagabi. Hindi rin siya nakatulog dahil—aahhhhw!” Napahiyaw si Rika nang kurutin ni Yuri ang tagiliran nito. “So you dreamt about me huh? Naked? How is it?” Hinilit ni Yuri ang sintido at kalmanteng sinagot ang tanong niya. “Nightmare.” Kaagad napalis ang pagkakangiti niya. What? Nightmare? “Naku! Hindi lang natunawan `yan kagabi kaya binangungot. Kung ako makakakita ng gwapo at macho.. for sure, maganda ang panaginip ko!” “I  agree. Pero ‘to see is to believe’ ang motto ko. Kaya patingin nga muna ng hubad na katawan mo, Mateo—” “Tumigil na nga kayo!” Naiinis na saway ni Yuri sa mga kasama. “I susumbong ko kayo sa mga boyfriend niyo!” “Ay, KJ!” “Gusto niya, siya lang ang makakita ng hubad na katawan! Madamot!” “Shizukaniiiii!” “Di namin naintindihan!” “Tagalugin mo, friend!” “I said, quiet!” “Quiet, pero ikaw ang nakasigaw. Gulo mo eh `no?” “You’re so giddy today, Yuri-chan. Dahil ba nandito si Mateo? Lukot na lukot na ang mukha ni Yuri.  Muling natawa ng pagak si Mateo. He really is enjoying this moment! “Sorry ladies. Ayaw lang talaga niya na may ibang babaeng nagtatangka sa kakisigang taglay ko. Para lang kasi sa mga mata niya ang abs at chest muscle ko.” Agad siyang napatakbo nang mapansin niyang dumampot ng tape dispenser ang babae at idinamba sa kanya. “Sige! Tama `yan! Lumayo ka! Kapag lumapit ka pa sakin, magkakaroon ka ng Chocolate Hill diyan sa bunbunan mo!” Napuno ng tawanan at pagbabanta ang reception area. Natigil lang `yon nang may pumasok na isang matangkad na lalaki na nakasuot ng itim na shades. Nang hubarin nito ang salamin ay tumambad sa kanila ang singkit nitong mga mata. “Ohayou Gozaimasu!”

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD