Training 2
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako pagkatapos ay tiningnan ko ang sugat ko.
Naiiling na kinuha ko ang telang na nasa lamesa.
Bakit ka ba hindi nag-iingat Fevune? Paano kung malaman ng mga Zanian na Macian ako?
Aktong itatali ko ang tela sa may sugat ko ng bigla nalang bumukas ang pinto at nakita ko si Vonia.
"*"Kakain na tay-"*"Napatigil siya sa pagsasalita at napatingin sa kaliwang balikat ko.
"*"N-napano yan?"*"Tanong niya sabay turo don.
Mabilis na itinago ko ito at umiling.
"*"W-wala lang to"*"Sabi ko habang umiiling ng lumapit siya sakin at hinawakan ang kaliwang balikat ko at tiningnan yon.
"*"Fevune. Anong wala lang? Kailangan magamot yan. Hindi maaayos yan kapag tinatakpan mo lang ng tela. Akala mo hindi ko napansin to kahapon"*"Sabi niya.
Hihilain na sana niya ako ng binawi ko ang kamay ko at umiiling na tumingin sakanya.
"*"Ayos lang-"*"Pinutol niya ako.
"*"Tsk. Sa ayaw at sa gusto mo pupunta tayo sa clinic"*"Sabi niya at hinila ako.
"*"Vonia. H-hindi"*"Sabi ko ng aktong bubuksan niya ang pinto.
"*"Anong hindi?"*"Tanong niya at humarap sakin.
"*"Alam mo namang nag-aalala ako sayo. Kaibigan kita at hindi ko kayang makita kang may sugat na kagaya niyan"*"Sabi niya.
"*"Vonia. Hindi talaga pwede"*"Sabi ko at umiling.
"*"Huh? Anong hindi pwede?"*"Tanong niya.
"*"V-vonia. Isa a-akong Macian..."*"
***
Tira lang ako ng tira sa dummy gamit ang mga maliliit na kutsilyo na hawak hawak ko.
Tumingin ako sa dummy pero nadismaya ako ng hindi man lang tumama sa gitna.
"*"Practice lang Fevune. Matatamaan mo din yan"*"Sabi ni Prince Water na nakaupong nanunuod lang saakin sa gilid.
Muli akong kumuha ng maliit na kutsilyo at hinagis doon pero hindi tumama.
"*"May problema ka ba? Kanina ko pa napapansin na parang may dinadala kang problema"*"Napatingin ako sakanya ng magsalita siya.
Mabilis na umiling ako at ngumiti ng pilit.
"*"Ayos lang ako Prince Water"*"Sabi ko.
"*"Sige. Ayusin mo na ang pagtama"*"Sabi niya kaya tumango ako at muling tumingin sa dummy.
Huminga ako ng malalim at tiningnan ng mabuti ang mansanas.
Kailangan mapatama ko yon.
Nakita ko si Shikira na nakatingin lang sakin.
Ayaw kong madismaya siya kaya kailangan mapa tama ko ito.
Hinagis ko na ang maliit na kutsilyo.
B-bakit? Sayang naman.
Kumuha ako ng isang maliit na kutsilyo.
Huminga ulit ako ng malalim bago tiningnan ang mansanas.
Para kay Shikira!
Hinagis ko na.
Wala pa din? Sayang naman!
Kumuha ulit ako ng kutsilyo.
Last nalang ito. Kapag nagkamali ako siguradong madidismaya si Shikira at ayaw ko non.
Pumikit ako at huminga ng malalim bago ko mabilis na hinagis ito.
"*"Wow! Napatama mo Fevune! Magaling"*"Nabalik ako sa realidad at napatingin sakanya pero mabilis din na napatingin sa dummy at ganon nalang ka saya ang nararamdaman ko ngayon ng makita ko ang tatlong kutsilyo na ngayon ay nasa gitna.
"*"Sirain mo naman yong dummy gamit ang ability mo. Tutal sa nakikita ko kahapon ay mukhang kontrolado mo na pero sabihin mo lang sakin kung hindi mo na kaya at ang emosyon mo Fevune"*"Sabi sakin ni Prince Water. Tumango ako bilang sagot bago yumuko at humarap sa dummy.
Tinapat ko sa langit ang kamay ko. Pinaramdaman ko muna ang panahon bago tinapat ang kamay ko sa dummy kasabay non ang pagtama nang kidlat sa dummy.
Medyo nagka-usok.
Tumingin ako sa dummy at natuwa ako ng makita kong nasira ito pero may natira pa.
"*"Saan mo natutunan ang ganon?"*"Tanong niya.
"*"Sa Tay ko..."*"Sabi ko at ng mapansin niyang mababakas ang lungkot sa tono ko kaya mabilis na nagsalita siya.
"*"Wow! Kulang nalang at masisira na yang dummy. Handa ka na ba bukas?"*"Tanong niya.
Handa na ba talaga ako bukas? Sino kaya makakalaban ko.
"*"Siguro?"*"Patanong na sagot ko kaya naiiling na tumayo siya at lumapit sakin.
"*"Mag-iingat ka bukas Fevune... Sapat na siguro ang mga tinuro ko sayo para bukas"*"Sabi niya.
"*"Salamat sa pagsanay saakin Prince Water"*"Nakangiting sabi ko.
"*"Wala lang yon"*"Sabi niya.
Ngumiti siya kaya nginitian ko siya pabalik ng may biglang sumulpot sa harap namin at nakita ko si Prince Fire.
"*"Hindi pa ba kayo tapos? Lunch time na"*"Sabi niya.
"*"Hindi pa naman ako nagugutom"*"Sabi ko kaya napatingin siya sakin.
"*"Pake ko? Si Water ang kausap ko at hindi ikaw. Mas magandang wag ka nalang kumain. Tayo na Water. Kanina pa kami naghihintay"*"Sabi niya at bumaling may Prince Water.
Ang sarap mo talagang upakan! Kung hindi lang talaga to prinsipe.
"*"Fevune. Mauuna na kami. Nasa labas na pala yong kaibigan mo"*"Sabi ni Prince Water kaya ngumiti ako ng pilit at tumango kasabay ng paglaho nila.
Tumingin ulit ako sa natirang dummy at pinakidlatan ito dahil sa inis hindi pa ako nakuntento at pinakidlatan ko pa ulit.
Kainis na lalaking yon. Kung wala lang talaga akong utang na loob sakanya kanina ko pa yon sinagot sagot.
"*"Kain na tayo"*"Napatingin ako sa pinto ng may nagsalita at nakita ko si Vonia.
Nauna na siyang naglakad kaya sumunod nalang ako.
Napatingin ako sa likuran niya.
Hindi na kami nakapag-usap kanina kasi dumating na si Prince Water.
Mamaya ay babalik nanaman ito sa pagiging makulit pero alam kong gusto niya na talaga akong kausapin tungkol sa pagiging Macian ko pero pinipigilan niya lang.
Sabi din niya sakin kanina ay delikadong mag-usap kami sa pagiging Macian ko dahil posibleng malaman ng headmaster o di kaya ay mga Zanian.
Nakarating na kami sa cafeteria at pagpasok palang namin ay nakita ko si Prince Fire na tahimik lang na kumakain.
Umopo ako sa dating pwesto namin at nag-order naman si Vonia.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko at bigla nalang akong lumingon sa deriksyon niya at saktong nakatingin din siya sakin pero ang pinagtataka ko ay bakit hindi pa ako umiiwas?
Bigla siyang ngumiti na ikasapo ko sa dibdib ko dahil bigla nalang bumilis ang pintig nito.
May kumaway sa harap ko kaya napatingin ako sa kung sino at nakita ko si Vonia na nagtatakang nakatingin sakin.
"*"Kanina pa kita tinatawag"*"Sabi niya at umopo sa harap ko.
Tumingin ulit ako sakanya at nakita kong nakikipagtawanan siya kina Prince Water.
"*"Hoy babae! Sabihin mo lang sakin na gusto mo si Prince Fi-"*"Mabilis na tinakpan ko ang bibig niya at pinanliitan siya mg mata sabay tingin sa paligid at nakahinga ako ng maluwag ng hindi sila nakatingin samin.
"*"Tumahimik ka nga"*"Sabi ko kaya tumango siya.
Dahan dahan kong inalis ang kamay ko sa pagkakatakip sakanya.
"*"So? May gusto ka nga?"*"Mahinang tanong niya na ikatigil ko.
"*"W-wala no"*"Sabi ko.
"*"Bakit kung makareact ka kanina ay parang totoo talaga?"*"Sabi niya na ikatigil ko ulit.
Bakit ko ba tinakpan ang bibig niya? Wala naman talaga akong gusto sakaniya? Bakit ako magkakagusto sa kanya. Isa lang naman siyang dakilang malas para sakin.
"*"Hoy. Kumain ka nalang kaya diyan? Tulala ka eh"*"Sabi ni Vonia kaya kumain nalang ako.
Ano bang nangyayari sakin?