Chapter 20

1057 Words
Training Napahinto kami ni Vonia sa pagkain ng may kumatok. "*"Buksan mo nga"*"Sabi niya. "*"Ikaw na lang"*"Sabi ko. "*"Kumakain pa ako"*" "*"Kumakain din naman ako Vonia ah"*" "*"Tamad mo naman"*" "*"Magkapareho din naman tayong tamad"*" "*"Oo na! Ako na ang magbubukas!"*"Pagsusuko niya at tumayo. Nagsimula na ulit akong kumain at aktong susubo ng tawagin ako ni Vonia. "*"May bisita ka!"*"Sabi niya at umopo. "*"Sino?"*"Tanong ko. Wala naman akong maisip na posibleng bibisita sakin. "*"Tingnan mo kaya?"*"Sabi niya habang kumakain kaya tumayo na ako at pumunta doon. Pagtingin ko sa kung sino ay nagulat ako ng makilala ko ito. "*"Prince Water? Ano pong ginagawa mo po dito?"*"Magalang na tanong ko. "*"Ako ang magsasanay sayo mula ngayon"*"Sabi niya at ngumiti na ikatigil ko. Oo nga pala. "*"Patawad po. Sinundo mo pa po talaga ako"*"Sabi ko. "*"Ayos lang"*"Sabi niya at mahinang tumawa. Lumunok muna ako bago ngumiti ng pilit. "*"P-pasok ka po"*"Sabi ko at binuksan ng tuluyan ang pinto. Napatigil ako ng may maalala ako at tumingin sa buong paligid pero nakahinga ako ng maluwag ng hindi na magulo ang buong paligid gaya kanina. Tumingin ako kay Vonia at nakita kong nagthumbs up siya sakin kaya tumango ako. Nakita ko siyang umopo doon sa may sala. Sinarado ko na ang pinto bago humarap sakanya. "*"Magbibihis lang po ako"*"Sabi ko at mabilis na pumuntang kwarto. Gaya ng sabi ko ay nagbihis ako... Pagkatapos kong maligo. Tumingin muna ako sa salamin at huminga ng malalim. Kailangan maayos ang suot ko lalo na at prinsipe ang makakaharap ko. Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko siyang tumitingin sa paligid pero nabaling din ang tingin sakin. "*"Pasensya na po kung naghintay ka pa po"*"Sabi ko at ngumiti ng pilit. Tumayo siya at naiiling na ngumiti sakin. "*"Gaya ng sabi ko kanina ay ayos lang. Tayo na?"*"Sabi niya na ikatigil ko. "*"H-hindi ka pa naman po nanliligaw"*"Sabi ko at yumoko kasunod non ang tawanan nila pero mas malakas yong kay Vonia. "*"Ibig kong sabihin. Tara na"*"Sabi niya na ikangiwi ko. Hindi ko alam na ganito pala ako ka assuming. "*"Pasensya ulit"*"Sabi ko. Nagpaalam na ako kay Vonia bago kami umalis. Habang naglalakad kami papuntang Training Room ay bigla siyang nagsalita. "*"Ikaw si Vonia Duino Right?"*"Tanong niya kaya tumango ako. "*"Hmm... Weather Manipulator..."*"Sabi niya kaya napatingin ako sakanya. "*"Paano mo po nalaman?"*"Tanong ko. "*"Remember? Kasama namin si Fire kaya alam namin"*"Sabi niya na ikatango ko. Agad na nakarating naman kami sa Training Room at sabay kaming pumasok. Malaki at malawak din ito pero mas malawak ito kesa sa training room na nasira daw namin. "*"Sabihin mo lang sakin kung hindi mo na kayang kontrolin"*"Paalala niya kaya tumango ako. "*"Pumwesto ka sa gitna"*"Sabi niya kaya sinunod ko siya. "*"Hmm... Tumuwid ka ng tayo at pumikit"*"Sabi niya kaya sinunod ko siya. Isipin mo ako "*"Pakiramdaman mo ang panahon pagkatapos ay magmulat ka at sabihin mo saakin ang naramdaman mo"*"Sabi niya. Gaya ng sabi niya ay sinunod ko siya. Maganda ang sinag ng araw... Pagmulat ko ay tumingin ako sakanya bago nagsalita. "*"Maganda ang sinag ng araw"*"Sabi ko na ikatango niya. "*"Itapat mo ang kamay mo sa langit at isipin mong hindi maganda ang sinag ng araw ngayon at umuulan"*"Sabi niya kaya tumango ako at tinapat ang kamay ko sa langit. Itapat mo sa langit ang kamay mo tapos sabihin mong Mahal mo ako. Inisip kong umuulan ngayon at hindi maganda ang sinag nang araw kasunod non ang pag-ulan naikatuwa ko. "*"N-nagawa ko"*"Masayang sabi ko sabay tingin may Prince Water na ngayon ay nakangiting nakatingin sakin. "*"Sige... Patigilin mo na ang ulan at isipin mong maganda ang sinag ng araw at hindi umuulan"*"Sabi niya kaya sinunod ko siya. Huminga muna ako ng malalim bago inisip na maganda ang sinag ng araw ngayon at hindi umuulan. STOP! I SAID STOP! DONT MOVE! Nang dahil sayo liit. Mapapahamak tayo ngayon Tumahan ka na diyan. Naghahanap na ako ng paraan para makaalis tayo dito. May biglang humawak sa magkabilang balikat ko na ikatigil ko at napatingin sa kung sino. Nakita ko ang galit na mukha ni Prince Fire. "*"Plano mo nanaman bang magpahamak!"*"Galit na sabi niya na ikatigil ko at tumingin sa paligid. Nakita ko si Prince Water na ngayon ay nasa loob ng water shield ngayon. Nakita ko ding kumikidlat at lumalakas ang ulan. "*"Tsk. Pahamak ka!"*"Napatingin ako kay Prince Fire ng magsalita siya at napangiwi nalang ako ng mas lalong humigpit ang paghawak niya sa balikat ko. Binitawan niya ako bigla at tumalikod sabay harap sakin at wala ng galit na mababakas sa mukha niya. "*"Patigilin mo ngayon din"*"Sabi niya at mahahalata ang diin sa pagkakasabi niya maya agad na pumikit ako at huminga ng malalim bago tinapat ang kamay ko sa langit. Inisip kong maganda ang sinag ng araw at hindi umuulan at hindi kumikidlat. Ilang sigundo at nakita kong tumitigil na ang ulan at kidlat hanggang sa naging maganda na ang sinag ng araw pero nabaling ang tingin namin sa di kalayuan at nakita namin si Headmaster namanghang nakatingin sakin. "*"Anong ginagawa mo dito headmaster?"*"Tanong ni Prince Water at pinalaho ang Water Shield niya. "*"Sinisigurado ko lang na walang masisirang Training Room"*"Sabi niya habang nakangiti ng malawak. "*"Sige. Mag-ingat ka ulit Fevune. Ang emosyon mo. Kontrolin mo"*"Sabi niya bago naglaho kasunod non si Prince Fire at natira nalang kaming dalawa ni Prince Water. Lumapit siya sakin at nilagay ang kamay niya sa magkabilang balikat ko na ikangiwi ko kaya mabilis na binawi niya iyon. "*"Bakit may pasa ka sa magkabilang balikat mo?"*"Tanong niya. "*"Nagkapasa ako kanina kasi napahigpit ang pagkakahawak ni Prince Fir-"*"Pinutol niya ako. "*"Ano?! Gusto mo pagsabihan ko yon?"*"Sabi niya kaya mabilis na pinigilan ko siya. "*"Wag na. Alam kong hindi niya yon sinasadya"*"Pigil ko sakanya Kaya tumingin muna siya Ng ilang sigundo sakin bago tumango. "*"Atsaka. P-patawad... Nang dahil sakin napahamak ka Prince Water"*"Nakayukong sabi ko ng iangat niya ang ulo ko at ngumiti sakin. "*"Ang importante. Walang nangyaring masama sayo. Sa susunod Fevune. Mag concentrate ka at higit sa lahat kontrolin mo ang emosyon mo"*"Sabi niya. Saglit na napatitig ako sakanya bago ngumiti pabalik at tumango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD