Training partner
Nakatingin lang ako kay Prof habang nagtuturo siya sa harap ng bigla siyang tumigil at humarap samin.
"*"Malapit na ang leveling kaya maghanda kayo. Good luck"*"Sabi niya sabay tingin sakin at muling nagsalita.
"*"Dahil bago ka Ms.Duino. Hayaan mong si Ms.Chime ang magpaliwanag sayo"*"Sabi niya kaya tumango ako at nagpaalam naman siya saamin bago umalis.
Ngayon ko lang napansin na tapos na palang magturo si Prof.
Sabay na kaming lumabas ni Vonia at habang naglalakad kami ay iniisip ko ang leveling na sinabi ni Prof.
Anong leveling? Tumingin ako kay Vonia at magtatanong na sana ng magsalita siya.
"*"Ang leveling. Yong makikipaglaban ka sa kapwa mo estudyante. Kapag nanalo ka mapupunta ka sa seksyon kung saan nandon ang Royals. Maswerte ka kung mananalo ka dahil mas marami kang matututunan sa seksyon na yon"*"
"*"Malapit na pala ang leveling at hindi ka pa nakakapagsanay"*"Sabi ni Vonia.
"*"Hindi ka din naman naka training ah"*"Sabi ko.
"*"Nasanay na ako. Sa tagal ko kayang nag-aaral dito. Pero yong nagsanay sakin ay bigla nalang nawala"*"Sabi niya.
"*"Nawala?"*"Tanong ko. Tumango naman siya.
"*"Nong araw na nalaman ng mga Zanian na Macian siya ay bigla nalang siyang nawala"*"Sabi niya na ikatigil ko.
Mapapahamak ako dito... Nakalimutan kong Macian pala ako.
"*"Mag-oorder lang ako"*"Sabi niya kaya tumango ako at ngayon ko lang napansin na nandito na pala kami sa loob ng cafeteria.
Umopo ako sa dati naming pwesto at naghintay.
Nakakapagtaka naman. Bakit siya ang nag-order?
Ilang minuto at dumating siya na may dalang pagkain sabay lapag sa harap ko ng akin.
"*"Bayaran mo ko"*"Sabi niya na ikatigil ko at kinunotan siya ng noo.
"*"Bakit naman kita babayaran?"*"Tanong ko.
"*"Aba! Dapat bayaran mo ako. Pera ko ang pinambili ng pagkain mo"*"Sabi niya na ikangiwi ko.
Tumango nalang ako at hindi na nakipagtalo.
Habang kumakain kami ay bumukas ang pinto ng cafeteria at alam ko na ang susunod na mangyayari.
Agad na tinakpan ko ang tenga ko at ganon din si Vonia kasabay non ang mga sigawan ng mga estudyante.
Tumingin ako sa Royals. Kamangha mangha talaga ang kagandahan nila. Bagay na bagay na maging Royals. At kung kumilos sila ay talagang makapangyarihan.
Napatigil ako ng may naramdaman akong parang may nakatingin sakin kaya nilibot ko ang tingin ko at napahinto sa siraulong lalaki.
Nakangisi siya ngayon habang nakatingin sakin ng bigla niyang ilabas ang dila niya na parang inaasar ako.
Paano ba siya naging Royal kung mag-isip siya ay parang isip bata.
Kumain nalang ulit ako at hindi siya pinansin. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ang dali dali kong mainis kapag siya ang nang-aasar. Hindi naman ako ganito dati ah.
~***~
Maaga akong nagising at gaya ng ginagawa ko taga-umaga ay naliligo ako at kasunod non ay magbibihis ako.
Lumabas na ako ng kwarto at mukhang napaaga yata ang gising ko dahil mukhang nagluluto pa si Vonia.
Lumapit ako sakanya.
"*"Hindi pa ba tapos?"*"Tanong ko.
"*"Ikaw nalang kaya magluto"*"Sabi niya na ikamangha ko.
"*"Alam mong nandito ako?"*"Gulat na tanong ko kaya bagot na tiningnan niya ako bago niya ulit tinuon ang atensyon niya sa niluluto.
"*"Malamang. Magkadormmate tayo"*"Sabi niya na ikangiwi ko at pumunta nalang ng sala.
Umopo ako at sumandal sa upuan.
"*"Kapag nakapasa ako sa battle na sinasabi ni headmaster ay pwede na akong makauwi saamin"*"
"*"Makikita ko na si Tay at baka din nandon na si..."*"
Napahinto ako ng maalala ko si Shikira. Iniling ko nalang ang ulo ko at bumuntong hininga.
"*"At kapag nakabalik ako.Sisiguraduhin Kong Hindi na ulit kami mahahanap Ng mga Zania-"*"Napatigil ako ng makarinig ako na parang nahulog.
Tumingin ako sa paligid at nakita ko si Vonia na gulat na nakatingin sakin at naibaba ko ang ang tingin ko sa sahig at nakita ko ang mga kutsarang nagkakalat.
"*"A-anong sinabi m-mo?"*"Gulat na tanong niya na ikataka ko.
Ano?- N-narinig niya ba lahat?
"*"Fevune. Wag kang magkakamaling magsinungaling"*"Sabi niya pero may kasamang diin.
Tumayo ako.
Narinig niya nga. Bakit hindi ka ba nag-iingat Fevune.
"*"Ganito kasi yan Vonia. Nakatira ako sa isang kagubatan kasama ang Tay ko. Bigla nalang kaming pinuntahan ng mga Zanian at pinilit akong mag-aral dito"*"Sabi ko.
"*"Ano yong narining kong makakabalik?"*"Tanong niya.
"*"Gusto kong balikan si Tay. Makakabalik lang ako kapag nakapasa ako sa battle"*"Sabi ko.
"*"Battle?! Alam mo ba kung ano ang battle ang sinasabi mo?"*"Napapikit ako ng mapansin kong dahan dahan na naging pasigaw kung magsalita siya.
Pilit ko siyang pinapakalma pero umiling lang siya.
"*"Fevune! Kapag sumali ka sa battle na yan! Posibleng mamatay ka at ayaw ko non"*"Sabi niya na ikatigil ko.
Posibleng mamatay ako?
"*"Pero yon nalang ang tanging paraan"*"Sabi ko kaya napailing nalang siya.
"*"Fevune... Naniniwala ka sa sinasabi ng matandang yon este ni headmaster? Hindi mo pa siya kilala Fevune. Gaya ng sabi ko sayo noon. Wag kang magpadalos dalos"*"
"*"Aminin mo nga sakin. Si Tay mo lang ba ang dahilan kung bakit gusto mong umalis?"*"Mapanuring tanong niya na ikatigil ko.
"*"O-oo"*"Sabi ko at nakita ko siyang tumango tango.
"*"Siguraduhin mo lang"*"Sabi niya at hinanda ang hapag.
Hindi niya pwedeng malaman na Isa akong Macian.
Niyaya niya na akong kumain kaya umopo na ako sa harap niya at nakisabay sa pagkain.
Patingin tingin Lang ako sakanya at nakita kong seryoso lang siyang kumakain.
Hanggang sa pagdating namin sa silid aralan ay tahimik pa din siya.
Yong ibang kaklase ko nga ay tinatanong ako gamit ang mata pero nagkibit balikat lang ako bilang sagot.
"*"Class! Napagdesisyonan naming wala muna kayong klase ng limang araw para makapagsanay na rin kayo lalo ka na Ms.Duino. At napagdesisyonan din naming magsanay kayo na may kasama"*"Sabi ni Prof.
"*"Ma'am! Pwede po bang si Fevune ang kasama ko?"*"Sabi ni Vonia.
"*"Prof! Kami din"*"
"*"Kasama ko siya Prof"*"
Napangiwi ako ng umingay ang buong paligid pero tumahimik din ng magsalita si Prof.
"*"No! Bubunot kayo dito sa kahon ng isang pirasong papel. At maghintay kayo kung sino ang makakasama niyo. Ilalagay lang namin sa bulletin board"*"Sabi niya kaya napatingin ako sa kahon na nasa mesa niya.
"*"Prof! Kasali din ang mga Royals?"*"
"*"Hmm... Oo. Pero isa lang na estudyante"*"Sabi ni Prof na ikaingay nanaman ng mga kaklase ko.
"*"Sana ako"*"
"*"Pustahan tayo. Pagnapili ka to na card ko"*"
"*"Sige ba"*"
Pinabunot na ni prof ang ibang kaklase ko kaya pumila na kami ni Vonia.
Pinasok ko sa loob ang kamay ko. Inikot ikot ko muna ang mga papel bago ako kumuha ng Isa at pumuntang upuan.
Ilang sigundo at dumating si Vonia at umopo sa tabi ko.
"*"Anong numero mo?"*"Tanong niya.
"*"Hindi ko pa alam. Sayo?"*"Tanong ko.
"*"36"*"Sabi niya kaya tumango ako.
"*"Sayo?"*"Tanong niya.
"*"Mamaya ko na titingnan. Medyo kinakabahan pa kasi ako"*"Sabi ko kaya tumango siya.
***
Headmaster POV.
"*"Hello! Kaninong pangalan ang ilalagay?"*"Tanong ko.
"*"Sakanya!"*"
"*"Anong ako. Ayaw ko nga!"*"
"*"Headmaster. Siya nalang. Ayaw kong may kasama ako"*"
"*"Ayaw ko din naman ah"*"
"*"Shh.. ikaw nalang"*"Sabi ko sabay turo sakanya.
"*"Okay"*"
***
Nandito ako ngayon sa garden. Tapos na kaming maglunch time at Wala si Vonia. Sabi niya kasi...
"*"Saan ka pupunta Vonia?"*"Tanong ko ng makita ko siyang tumayo.
"*"Hindi na ako makapaghintay sa magiging kasama ko sa pagsasanay kaya maglilibot muna ako at baka may makita akong kaparehas ko na numero"*"Sabi niya na ikailing ko at tumango nalang.
Habang nagmumuni muni ako dito sa garden ay may bigla nalang may nangalabit sakin pero hindi ko lang ito pinansin.
Baka si Vonia lang yan. Sino ba naman kasi ang pupunta dito ng garden maliban sakin at si Vonia.
Kinalabit niya ulit ako hanggang sa sunod sunod na kaya hindi na ako nakapagpigil at binalingan siya pero ang kaninang magkasalubong na kilay ko ay mas lalong nagkasalubong.
Tumayo siya at nakangising nakatingin sakin.
"*"Mas bagay sayo ang mainis. Maliit na nga ang pasensya maliit pa. Diba ang ganda?"*"Sabi niya na ikainis ko.
Tumayo ako at tinuro siya.
"*"Akala mo siguro gagalangin kita PRINCE Fire pero nagkakamali ka"*"Sabi ko at binaba ang kamay ko.
"*"Bakit? Sinabi ko bang galangin mo ako?"*"Sabi niya na nakangisi na ikainis ko lalo.
"*"Diyan ka na nga!"*"Sabi ko at aktong aalis ng magsalita siya na ikatigil ko.
"*"See you tomorrow liit"*"
Mabilis na napalingon ako sakanya pero naglaho na siya.
Anong see you tommorow ang pinagsasabi niya?
Wag naman sana...
Kinuha ko ang papel na nasa bulsa ko at nagtatakbong pumunta kung saan nakalagay ang bulletin board.
Nakita ko ang madaming estudyante kaya napahinto ako at tiningnan ang numero ko.
27...
Nakisiksik na ako sa mga estudyante at nagawa ko namang makapunta sa harap.
Agad na hinanap ko ang numerong 27 at nakita ko naman.
Fevune... Duino...
Napatigil ako ng mabasa ko ang kasunod ng pangalan ko.
Baka nagkamali lang ako.
Sinigurado kong nakaturo ang daliri ko sa pangalan ko hanggang sa nakatapat nito pero halos manlumo ako ng hindi talaga ako nagkamali ng nabasa.
Prince... Fire...
Sa dinami dami ng estudyante na nandito bakit ako pa ang natyempuhan. Malas!