Bayan ng Ganpon
Nakasunod lang siya sa likod ko.
Huminto ako sa isang puno at umopo doon sabay sandal.
Umopo naman siya sa tabi ko at nakisandal na din.
"*"Gutom na ako"*"Sabi niya sabay hawak sa tiyan niya kaya kinuha ko ang wet bag ko at binigay sakanya.
Mabuti nalang talaga at hindi nakita ng mga Hence ang wet bag na nakatago sa loob ng jacket ko.
"*"Ano to?"*"Tanong niya pero hindi ko siya sinagot at kinuha ang pagkain sa loob non sabay bigay sakanya.
"*"Kainin mo yan"*"Sabi ko.
"*"Paano ka?"*"Tanong niya.
"*"Busog ako"*"Sabi ko at nagkibit balikat naman siya at kinain yon.
Hindi mo man lang ba ako pipilitin? Gutom din naman ako ah.
Ilang minuto bago siya natapos sa pagkain habang ako ay umiinom lang ng tubig ng agawin niya yon at siya mismo ang uminom ng tira.
Yan na nga ang paraan para hindi ako magutom kinuha mo pa.
Binigay niya sakin pagkatapos niyang ubusin kaya hindi na ako nagreklamo at nilagay nalang sa loob ang lagayan ng tubig.
***
Tumayo na ako at ginising siya.
Nakita kong nagmulat na siya kaya tumalikod na ako at nagsimulang maglakad.
Naramdaman kong sumunod siya kaya tumingin ako sa paligid.
Mga puro d**o lang ang nakikita ko at sa di kalayuan ay may mga puno.
Napagdesisyonan kong pumunta doon at sumunod naman siya.
Pagdating ko don ay may nakita akong mga Oat na nagsasaya.
"*"Punta tayo don"*"Sabi niya kaya nauna na akong pumunta doon.
Bigla niya nalang akong hilahin papunta sa mga Oat na parang may pinapanuod.
Nakisiksik kami sa mga Oat at nakita kong may naglalaban sa pagpana.
May dalawang Oat ang may hawak na pana habang nag-uunahan na patamaan ang bilog.
"*"Gusto kong sumali!"*"Sabi ni Cronix at mukhang napalakas ata ang pagkakasabi niya dahil napatingin ang lahat ng Oat saamin.
Naku naman Cronix. Malilintikan ka sakin mamaya.
"*"Ow. May gustong sumali!"*"Napatingin ako sa harap ng magsalita ang isang lalaki.
Pinapunta sa harap si Cronix.
"*"Sino ang gustong kumalaban sa batang ito? Ang mananalo ay bibigyan ng limang ginto"*"Sabi niya at nabaling ang tingin namin sa isang lalaking may maraming tattoo.
"*"Ako"*"Sabi niya at pumuntang harap.
"Sigurado ba siyang lalabanan niya ang batang yan"
"Kawawa naman ang Bata"
"Makakalaban niya ang pinuno ng pana"
"Kailan pa siya nakabalik?"
"Ang gwapo pala niya"
Pinuno ng pana?
Naglaban na sila at hindi ko itinatanggi na magaling maglaro ang lalaking may tattoo habang si Cronix ay ewan ko nalang.
Kada bitaw niya ay hindi natatamaan ang bilog habang yong lalaking may tattoo ay mabilis na natatamaan niya ang bilog.
Natalo si Cronix at nakita ko sa mukha niya na bumakas ang lungkot pero pilit pa din siyang ngumiti sakin.
Ikalawang round na. Ibig sabihin ay final na ito.
Kanina ay practice palang daw.
May tatlong bilog ang lumitaw sa di kalayuan nila.
May malaki. May sakto sakto lang at may maliit. Maliit talaga siya.
Napatingin ako kay Cronix at napailing.
Nagsimula na ang laro at nakita kong mabilis na natamaan ng lalaking may tattoo ang dalawang bilog pero sumablay siya sa maliit na bilog.
Sa linya lang ito bumaon.
Napatingin ako kay Cronix at napansin ko ding tumahimik ang buong paligid kaya dahil sa pagtataka ay tiningnan ko kung saan tumama ang kay Cronix.
Pero laking gulat ko ng makita kong tumama lahat sa bilog. Walang sablay at gitna pa talaga ng bilog.
"*"Congratulations"*"Napatingin ako sa lalaking may tattoo at nilahad niya ang kamay niya kay Cronix na tinanggap naman niya.
"*"Magaling ka bata. Ikaw ang unang nakatalo sakin"*"
"*"Itong bata na ito ang papalit sa pwesto ko dito sa bayan ng Gampon"*"
Nagulat ang lahat sa sinabi niya lalo na ako.
Akalain mo yon? Ang makulit na lalaking yan. Naging pinuno ng pana.
"*"Sige. Aalis na ako"*"Huling sabi ng may tattoo kasabay non ang paglaho niya.
Ilang minuto na naging tahimik ang buong paligid hanggang sa bigla nalang naghiyawan ang mga taga Oat at kita ko din ang saya na bumakas sa mukha ni Cronix.
Binigay na sakanya ang limang ginto bago siya nagtatakbong pumunta sa deriksyon ko.
"*"Kita mo yon? Tumama lahat"*"Sabi niya na ikailing ko at hindi siya pinansin at naunang maglakad.
"*"Hindi mo man lang ba ako babatiin?"*"Tanong niya.
"*"Congrats"*"Sabi ko
"*"Salamat!"*"Sabi niya at nakisabay sa paglalakad ko.
Habang naglalakad kami ay may bigla nalang sumulpot na kung ano sa kinatatayuan namin at ang alam ko nalang ay para kaming nahuhulog.
"*"AHHHHHH!"*"Sigaw ni Cronix na ikatakip ko sa tenga.