Beginning
Tumayo na ako at inayos ang hinihigaan ko. Isang linggo na ang nakakalipas at ngayong araw ay walang klase kaya hindi na ako gumising ng maaga.
Ilang araw na din ang nakakalipas ng sinubukan kong hanapin ulit ang ilog na yon pero palagi akong umuuwi sa bahay na bigo.
Naligo na ako at nagbihis. Lalabas ako ngayon dahil may bunos kaming sweldo galing kay Ma'am Kiana nong isang araw kaya napagdisesyonan kong maglibot libot muna ako.
Naka-tsenelas ako para na din hindi na talaga masira ng tuluyan ang sapatos ko. Nakasuot ako ng malaking t-shirt at nakapajama din.
Huminto ako sa gilid at naghintay ng masasakyan.
Nakakita ako ng Jeep kaya pumara ako pero na ibaba ko lang ng dire-diretso lang magmaneho ang drayber kaya naghintay ulit ako.
Nakakita ako ng multicab kaya pumara ulit ako pero gaya nong Jeep ay diretso lang itong magmaneho kaya napabuntong hininga ako at tiningnan ang kabuuan ko.
May sira na din ang mga damit ko dahil sa mga lokong daga at suot ko pa talaga ang pinagtripan nila.
Naghintay ako ng masasakyan pero puro lagpas lang sila sakin na ikabuntong hininga ko ulit ng may Van ang huminto sa harap ko.
Napaatras ako dahil baka sila yong mandudukot na balita dito. Tapos kukunin ang laman loob.
Mas lalo akong napaatras sa naiisip ko at tatakbo na sana ng unti unting bumaba ang bintana ng ikalawa at nagulat ako ng bumungad sakin si Ma'am Kiana na malawak ang ngiti.
"*"Hi Shikira! Kanina pa kita pinagmamasdan sa malayo at nakita kong hindi ka makasakay kaya sumakay ka nalang dito"*"Sabi niya kaya mabilis na umiling ako.
"*"Salamat nalang po Ma'am Kiana. At baka may gagawin ka pa po. Nakakaabala naman po siguro ako"*"Sabi ko at pilit na ngumiti.
"*"Hindi ka nakakaabala Shikira. Gaya ng sabi ko noon wala akong ginagawa at tanging yong coffee shop lang ang libangan ko"*"Sabi niya na ikataka ko.
"*"Eh ano po ang ginagawa mo po kapag aalis ka po?"*"Tanong ko at nakita kong bumukas ang pagkagulat sa mukha niya pero kalaunan ay ngumiti.
"*"Binibisita ko ang pamilya ko Shikira"*"Sabi niya kaya napatango nalang ako.
"*"Sumakay ka na!"*"Yaya niya kaya hindi nalang ako tumanggi at sumakay nalang.
Pagpasok ko ay bumungad sakin isang babae at isang lalaki at sa nakikita ko ay kaedad ko lang sila. Tahimik lang silang nakaupo sa likod. Naramdaman ko na ding umandar na ang sinasakyan namin.
Napatingin ulit ako sakanila.
Sino kaya sila? At kaano ano ni Ma'am Kiana sila?
"*"Nagtataka siguro ka kung sino sila"*"Sabi bigla ni Ma'am kaya napatango ako.
"*"Ang babae na yan ay si Diarian Flourish at ang lalaki naman na nasa gilid niya ay si Rizire Cumoni"*"Pakilala niya kaya napatango nalang ulit ako.
Napatingin ulit ako sakanila at namangha dahil sa kagandahan nila.
Maputi sila kaya kapag nasa gitna nila ako ay parang magiging itim na ako sa paningin ng iba kaya nga takot akong tumabi kay Ma'am.
Napatingin sila sakin kaya napaiwas na ako at bumaling kay Ma'am Kiana.
"*"Ka ano ano mo po sila ma'am?"*"Tanong ko.
"*"Shikira. Ilang ulit ko ng sabihin sayo na Tita Kiana ang itatawag mo saakin"*"Sabi niya at tumawa ng mahina.
Oo nga pala. Palagi niyang pinapaalala sakin na Tita itatawag ko sakanya.
"*"At anak sila ng mga kaibigan ko. Sinundo ko sila dahil alam kong na bo-bored sila kaya napagpasyahan kong isama sila rito"*"Sabi niya kaya tumango ulit ako.
"*"Ma'am este Tita. Saan po tayo pupunta?"*"Tanong ko.
"*"Secret... Dahil sumakay ka dito ay isasama nalang kita. Tutal ay wala ka na mang klase ngayon kaya perfect!"*"Sabi niya na ikanganga ko.
"*"Naku Ma-Tita. Wag na po... Sa ukay ukay lang naman po ako pupunta"*"Sabi ko.
"*"Ukay ukay? Hindi ka pa ba nakakapunta ng mall? O somewhere?"*"Tanong niya.
"*"Ngayon lang po kasi ako nagdisesyon na maglibot at kung sakali mang sa mall. Wala din po akong maibabayad"*"Sabi ko kaya nakita kung tumatango tango siya.
***
Napalunok ako habang nakatingin sa mga damit na pinili ni Tita sakin.
Tumingin ako kina Diarian at nakita kong bagot lang silang nakaupo habang pinapanuod ako.
"*"Tita. Mahal po yan. Wala po akong sapat na pera para mabayaran ang lahat ng yan"*"Sabi ko.
Umaabot na kasi ng million ang pinili niya habang nasa bulsa ko lang ay isang libo yong ibang pera ay nasa bahay dahil para sa pangangailangan ko yon.
"*"Wag kang mag-alala Shikira! Ako na man ang magbabayad niyan"*"Sabi niya kaya muli akong napatingin sa mga damit.
"*"Mahirap lang po ako para magsuot ng mga ganyan pong damit"*"Sabi ko kaya napailing siya.
"*"Hindi dahil mahirap ka ay bawal kang magsuot ng kung ano ano. Shikira buhay mo yan kaya sayo ang disesyon kung ano ang gagawin mo sa sarili mo"*"Sabi niya kaya napaisip ako.
Tama siya.
"*"Nakakahiya naman po sayo Tita"*"Sabi ko.
"*"Wag kang mahiya Shikira"*"Sabi niya.
"*"Kukunin namin yan maliban sa isang yan. Ipasuot niyo sakaniya. Kayo na din bahala sa shoes at make ups at iba pa okay?"*"Sabi niya kaya aangal na sana ako ng hilahin na ako ng dalawang babae papuntang dressing room.
***
Ako nalang mag-isa sa loob ng dressing room at nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin.
Parang gusto ko ng magtomboy dahil sa nakikita ko.
"*"Can I marry you?"*"Sabi ko bigla at gusto kong magtatalon sa kilig.
Ngumiti ako na ikakilig ko lalo.
Ngumiti siya sakin!
Tinaas ko ang kamay ko at inilapit sa salamin. Tinaas ko din ang isang kamay ko at pinagholding hands silang dalawa.
"*"I'm Shiki-"*"Napatigil ako sa pagsasalita ng bumukas ang pinto ng dressing room kaya kinalas ko ang pagkakaholding hands at humarap sa likod.
Ng makita ni Tita ang itsura ko ay mas lalong lumawak ang ngiti niya at excited na hinila ako palabas.
Pinatalikod niya muna ako.
"*"Let us welcome! Shikira Osmeña"*"Sabi niya kaya dahan dahan akong humarap at nakita ko ang mga staff na nag-ayos sakin kasali na din ang nakaupo lang na sina Diarian at Rizire.
Pumalakpak naman sila kaya medyo nailang ako.
"*"May pupuntahan pa tayo! Diarian! Rizire! Hali na kayo"*"Sabi niya kaya tumayo sa silang dalawa at sumunod.
Huminto kami sa isang restaurant at pumasok kami don.
Umopo ako sa tabi ni Tita habang sa harap naman namin ay sina Diarian.
Busy sa kaka-order si Tita habang ako ay nakatingin lang kina Diarian.
Tumingin bigla silang dalawa sakin kaya medyo hindi ako nakahanda dahil sa biglaan.
Nagulat ako ng ngumiti sakin si Diarian.
"*"Kinagagalak kitang makilala Shikira"*"Nakangiting sabi niya kaya napangiti ako at tumango sakanya.
"*"Kinagagalak din kitang makilala Diarian"*"Sabi ko ng magsalita si Rizire.
"*"Kinagagalak kitang makilala Shikira"*"Sabi niya kaya napabaling ako sakanya at ngumiti din at tumango.
"*"Kinagagalak din kitang makilala Rizire"*"Sabi ko.
"*"Enough muna ang pag-uusap dahil kakain na tayo"*"Sabi ni Tita kasabay ng paglapag ng mga pagkain sa harap namin.
Napahawak ako sa tiyan ko dahil sa nakita kong mga pagkain. Sa amoy palang ay masarap na.
"*"Kumain na tayo"*"Sabi niya at kumuha na.
"*"Diarian? Rizire? Hindi ba kayo kakain?"*"Tanong ni Tita at bigla nalang siyang napasapo sa noo.
"*"Oo nga pala. Nakalimutan ko sorry"*"Dugtong pa niya kaya kumuha nalang ako ng pagkain ko at kumain.
Nanunuod lang ako kay Tita habang tinuturuan sina Diarian kung paano gamitin ang kutsara at kung paano kainin ang mga pagkain na nasa harap namin.
Nakakapagtaka naman na hindi sila marunong.
"*"Pasensya na sa nakita mo Shikira. Sa kanila kasi ay chopstick lang ang ginagamit nila"*"Sabi ni Tita kaya ngumiti nalang ako bilang sagot at nagsimula ulit kumain.
Napatigil ako at napatingin kina Diarian na seryosong nakatingin sa plato nila kaya naibaba ko ang tingin ko sa hawak nila at ako naman ang napasapo sa noo sa nakita ko.
Ginawa kasi nilang chopstick ang kutsara at tinidor kaya tinawag ko sila na ikatingin nila sakin.
"*"Ganito gumamit"*"Sabi ko at pinakita sakanila ang hawak kong kutsara kaya binaba nila ang tinidor at pilit na inaaral kung paano ako humawak kaya binaba ko muna ang kutsara ko at lumapit sakanila.
Hinawakan ko ang isang kamay ni Diarian at nilagay ko ang kutsara niya doon at ganun din ang ginawa ko kay Rizire.
Tinuro ko din sakanila kung paano kumuha ng kanin pero tinutusok tusok lang nila ito na parang chopstick kaya napahawak nalang ako sa batok.
Tinuruan ko ulit sila habang si Tita ay nanunuod lang samin.
Hanggang sa natuto sila na ikahinga ko ng maluwag pero napatigil din ng madako ulit ang tingin ko sakanila na nagtatakang tinitingnan ang shrimp na hawak nila.
"*"Buhay pa sila?"*"Tanong ni Rizire at mahahalata talaga ang pag-alala sa boses niya.
"*"Hindi ko alam Rizire"*"Sabi ni Diarian.
Kinuha bigla ni Rizire ang baso na puno ng tubig at nilagay doon ang shrimp na hawak niya.
Nakita kong pababa lang ng pababa ang Shrimp at nakita kong lumungkot ang mukha ni Rizire.
"*"Kung pwede lang talaga gumamit edi sana nailigtas natin yan. Pero huli na tayo patay na"*"Sabi ni Rizire kaya muli akong napasapo sa noo.
Tagasaan ba ang dalawang to?