Chapter 24

985 Words
Back to Shikira Shikira POV. Tahimik lang akong naglalakad dito sa kagubatan. Kanina ay naligaw ako at napunta nalang ako bigla dito sa gubat na ewan. Kakaiba ang mga nandito. At hindi ko alam kung paano idedescribe. Tahimik din at tanging mga yabag ko lang at hininga ko ang naririnig. Mataas din ang mga punong nandito. Huminto muna ako sa punong malapit sakin. Umopo ako don at kinuha ang tubig na nasa wet bag ko. Ininom ko na ito at nangalumbaba. Nakalimutan kong magdala ng pagkain. Tumingin tingin ako sa paligid at naiiling na tumingin sa kawalan. Hindi ako pwedeng kumuha ng prutas. Baka delikado o di kaya may lason. Pagnanguha pa ako baka matigok pa ako sa wala sa oras. Sumandal ako sa puno at bumuga ng hangin. Malapit ng maggabi pero hindi ko pa din nahahanap ang daan palabas sa gubat na ito. Kung gubat ba talaga to. Pumikit ako kasabay ng paglakas ng hangin. Malas ko naman ngayong araw. ~***~ Nagising ako ng may naramdaman akong may nakatingin sakin. Mabilis na minulat ko ang mata ko at bumungad saakin ang kuneho. Napaatras siya sa biglaang pagmulat ko. Umopo ako at kunot noong tiningnan siya. Tinagilid niya ang ulo niya at tumalon talon at umikot ikot. Napano ba yan? May sakit ba to? O may saltik? Hinawakan ko ang paa niya at tinaas kaya nakabaliktad na siya ngayon. Pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak ko pero hindi niya maabot na ikatawa ko sa kaloob looban. Yan kase... Bigla siyang tumigil at nagpapataypatayan na ikangiwi ko dahil kita ko pa na maliit na nagmulat siya at ng makita niyang nakatingin ako sakanya ay mabilis na pumikit siya. Nangangalay na ako kaya binitawan ko siya kaya napatingin nalang ako sa ibang deriksyon dahil ayaw kong makita ang itsura niya sa pagkakabagsak. Tumingin ako sa kuneho pero saglit lang at nag-iwas. Nagpipigil lang ako sa pagtawa ngayon dahil nakita kong una ulo ang pagkakabagsak niya. Tumingin ulit ako sakanya na ngayon ay nakatayo na ng ituro niya ako na ikataas kilay ko. Tumingin ako sa paligid at nakita kong umaga na pala kaya tumayo na ako. "*"Kuneho. Mauna na ako at maiwan na kita"*"Sabi ko at naglakad palayo. Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang mapatingin sa buong paligid at nakunot noo nalang ako ng mapansin kong dito ako dumaan kahapon. Naglakad ulit ako habang pagtingin tingin sa buong paligid pero napatingin ako sa di kalayuan ng makita ko ang kuneho na nakatingin lang sakin. Lumapit ako sakanya at napahawak nalang sa batok ng malaman kong nakabalik ako sa pwesto ko kanina. "*"Naliligaw ba ako?"*"Tanong ko sa sarili at napatingin sa damit ko pangtaas. Para hindi ako tuluyang maligaw ay kailangan kong baliktarin ang damit ko. Napatingin ako sa kuneho at napatigil sa aktong paghuhubad. Parang iba ang pakiramdam ko sa kuneho nato. "*"Kuneho na may saltik. Ituro mo saakin ang daan palabas ng gubat nato"*"Sabi ko ng samaan niya ako ng tingin. Anong klaseng kuneho to? Pilit siyang may pinaparating sakin pero tanging kunot noo lang ang sagot ko. Tumingin tingin siya sa paligid bago tumalikod sakin at tumalon papalayo sakin pero huminto din at tumingin sakin. Tumalon siya. Hindi ko siya maintindihan? Ano ba ang gustong sabihin ng kunehong to? Baka pinagmumura na ako nito ah. Lumapit ako sakanya kasabay ng pagtalon niya. "*"Gusto mong sundan kita?"*"Tanong ko. Tumalon talon naman siya. "*"Baka masamang kuneho ka ah"*"Sabi ko kaya sinamaan niya ulit ako. Muli siyang tumalon kaya wala na akong nagawa kundi sundan siya. Talon lang siya ng talon hanggang sa bumalik ulit kami sa pwesto namin. "*"Aba! Loko ka pala kuneho ah!"*"Sabi ko at muling kinuha ang paa niya at tinaas na ikabaliktad niya ulit. Muli siyang gumalaw galaw pero hindi ko hinayaan na makawala siya. Lokong kuneho to! Ilang minuto at binitawan ko na siya at una ulo nanaman ang pagkakabagsak niya. Nanunuod lang ako sakanya na inaayos ang sarili bago sinamaan ulit ako ng tingin kaya sinamaan ko din siya. Hindi ko na siya pinansin at tumingin sa paligid at nag-iisip mg paraan kung paano makaalis sa lugar nato. Napatingin ako sakanya ng muli siyang tumalon talon sa kinatatayuan niya pero nilagpasan ko lang siya habang nakatingin sa paligid. May parang kumakagat sa suot ko pang-ibaba kaya napatingin ako doon at nakita ko ang kuneho na kinakagat yon. Kung katayin ko kaya to? Tutal nagugutom naman ako. Biglang kumalam ang sikmura ko na ikahawak ko don. Hindi ko na talaga kaya. "*"Titigil ka diyan o kakatayin kita ng tuluyan? Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin kapag nagugutom ako"*"Sabi ko at nakita ko siyang tumigil at lumayo sakin. Napatingin ako sa kuneho ng may kung anong sinusulat siya sa lupa. Naiintindihan ko na din sila dahil bago ako mapadpad dito ay may nakatagpo akong babae at bigla nalang niya hinawakan ang noo ko at sa araw na yon ay naiintindihan ko na ang mga sinasabi ng mga Oat. 'Sundan mo ako' Basa ko sa sinulat niya na ikailing ko. "*"Loko kang kuneho ka. Gusto mong sundan kita? Wala na akong tiwala sayo"*"Sabi ko kaya muli siyang may sinulat doon. 'Gusto mong makaalis' 'Alam ko ang daan' Basa ko kaya nagdududang tiningnan ko siya. "*"Wee? Kung alam mo ang daan? Bakit bumalik tayo dito?"*"Sabi ko. 'Sundan mo lang ako' Basa ko ulit bago siya tumalon talon sa kinatatayuan niya. "*"Sige. Susundan kita ngayon pero kapag bumalik ulit tayo sa lugar nato kakatayin na talaga kita"*"Sabi ko. Tumalon na siya kaya sinundan ko na siya hanggang sa ilang minuto at nakita ko na ang kalsada sa di kalayuan. Mabilis na naglakad ako papunta doon at bumungad sakin ang mga Oat na may kanya kanyang ginagawa. Nakalabas na din sa wakas. Tumingin ako sa kuneho pero nangunot ang noo ko ng hindi ko siya makita. Baka bumalik na sa pamilya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD