"Kailan ka pa rito, Xandra?" Tanong ni Jazmine sabay higop sa kaniyang iced tea. Nasa canteen sila ngayon ng hospital, nakaupo sila sa pinaka dulong silya kung saan wala masiyadong nakakakita. Puno ito ngayon dahil pasado alas-siete na at oras na para maghapunan.
Tumingin naman si Xandra sa paligid, hinahanap ang pigura ng isang babae. Hindi niya maintindihan kung bakit niya tinakbuhan ang ina. Kung bakit siya pinanghinaan ng loob....
"Xandra?" Tawag ni Jazmine at kinaway ang kamay sa harap ng kasama. Bumalik si Xandra sa sarili at napatingin sa kaniyang kape sunod kay Jazmine.
"Not so long" tipid niyang sagot, pero kahit na ganoon ay nanatili pa rin ang mga ngiti ni Jazmine.
"It's been thirteen years, no?" Tumingin ito sa paligid at saka muling humigop ng kaniyang iced tea.
"There are so many things that have changed but your still the Xandra I know, right?"
Nakaramdam ng pagkalito si Xandra sa tanong ng dating kaibigan. Ang dating Xandra? Tanong niya sa sarili at napatingin sa mga bulaklak na nasa tabi ng kaniyang kape. Hindi niya ito nagawang maipasok sa kwarto ni Alex kanina dahil sa biglaang pagdating ng Ina.
"People change... But not always the way they want to... People change but not always for the good side" bulong niya sa sarili.
Ang mga pagbabago sa kaniyang sarili ay hindi niya ginusto. Kusa itong dinala ng tadhana. Parang isang malakas na bagyo na tumama sa isang maliit na isla... Ang dating Xandra ay nawala na sa mapa.
"Ha? Sorry di ko narinig hehe" nakangiti pa rin si Jazmine... Ganito pa rin ang hitsura nito, wala masyadong pinagbago. Ang wavy niyang buhok na hanggang baywang, ang mga makikislap niyang mata, ang mga matamis niyang ngiti... Ganoon pa rin ang hitsura nito kung kaya't nakaramdam ng pagtataka si Xandra dahil hindi na ganoon ang dating pakiramdam niya tuwing nandito si Jazmine. May kislap ang mga mata nito pero mukhang pagod. Matamis ang mga ngiti niya pero halatang may halo itong lungkot.
Iba ito sa dating Jazmine na kilala niya.
"Are you visiting Alex?" Sinadya ni Xandra na ilihis ang usapan.
"Oo! Tara na pala! Malapit na matapos yung visiting hours! Nagkita na ba kayo ni Tita?" Sunod sunod na sabi ni Jazmine. Inubos niya na rin ang iced tea niya at inayos ang bag na dala. Business Management student si Jazmine, halata sa hitsura nito na dito na siya tumuloy matapos ang klase.
"I'm not going. Can you put these flowers for me?" Abot ni Xandra sa mga bulaklak, nagtaka naman si Jazmine pero kinuha pa rin ang bulaklak.
"Why? I'm sure matutuwa si Tita"
"She didn't know that I'm here" sabi ni Xandra at saka na tumayo. Gumaya naman si Jazmine sa ginawa niya.
"Why?"
"I will explain next time, first is you should go" sabi ni Xandra at sabay silang naglakad palabas ng canteen hanggang sa marating nila ang room ni Alex.
"Are you sure, di ka papasok?" May lungkot sa boses nj Jazmine pero hindi nito kayang tinagin ang nararamdaman ni Xandra. Hindi niya pa kayang harapin ang Ina. Hindi ngayon.
Umiling lang si Xandra sa tanong niya.
"I'm glad you're here" niyakap siya ni Jazmine... Labing tatlong taon na ng huling makatanggap ng yakap si Xandra.
"Alex, aalis na kami. Please let me go"
"No! Ayoko! Mama please! Ayokong malayo kay Ate Xandra! Please!" Hinigpitan pa lalo ni Alex ang pagyakap kay Xandra kahit pa basang basa na ang dalawa mula sa mga luhang kanina pa bumubuhos. Namamaos na si Alex sa kakasigaw at iyon ang lalong nagpahirap sa kalooban ni Xandra na iwan ang kapatid.
"Xandra, to the car" sapilitan silang pinaghiwalay ni Arturo, naging madali lamang ito sa kaniya dahil na rin sa laki at lakas ng kaniyang katawan.
"Ateeee!!" Sigaw ulit ni Alex at nagtangka pang habulin si Xandra pero pinigilan siya ng ama.
Tumakbo si Xandra palabas ng bahay at ngayon lang niya napansin na bumubuhos pala ang ulan katulad nang pagbubos ng mga luha niya.
"Listen, Alex. We need to go. Stay here and protect your mother. Man up! You are a Petrov!" Pagtakip ni Arturo sa balikat ng anak at saka ito niyakap ng mahigpit. Nasasaktan din si Arturo sa nangyayari pero eto ang dapat nilang gawin.
"I love you, son" sabi niya at hinalikan ito sa noo bago sumunod kay Xandra.
"Let's go" sabi niya nang marating na ang sasakyan. Nakasulmok si Xandra sa isang sulok at pinupunasan ang kaniyang luha.
Bago pa umandar ang sasakyan ay nakakawala si Alex mula sa bisig ng Ina. Patakbo siyang humabol at nadapa pa sa gitna ng ulan. Gustong lumabas ni Xandra at tulungan ang kapatid na tumayo pero hindi niya magawa. Nanginginig ang mga kamay niya sa hindi malamang dahilan. Pinanood niya kung paano tumayo si Alex mag-isa at muling tumakbo para abutan ang sasakyan pero nagsimula na itong umandar. Parehas na kumirot ang puso ng mag-ama na nasa sasakyan pero walang naglakas ng loob na magsalita tungkol dito. Muling napatingin si Xandra sa kapatid na ngayon ay humahabol pa rin sa kanila kahit pa paulit-ulit na itong nadapa. Nang sandaling iyon ay humiling si Xandra sa mga ulap at ulan, na maging matatag si Alex hanggang sa magkita silang muli.
"Sana magising na si Alex dahil siguradong matutuwa siyang makita ka, sobrang tagal ka niyang hinintay" umalis na sa pagkakayakap si Jazmine at natapos na rin ang sandaling pagbalik ng mga ala-ala ni Xandra.
"Anyways, pasok na ako ha. Let's contact each other" hindi niya na hinintay makasagot si Xandra at kumatok na siya.
"Tita!" Masayang bati ni Jazmine sa pagbukas niya ng pintuan.
"Jaz ikaw pala! Halika pasok ka!" Anyaya naman ng Ina at isinarado na ni Jazmine ang pintuan. Naiwan lang doon saglit si Xandra at napabuntong hininga.
Ganoon rin kaya ang magiging reaksyon niya kung sakaling pumasok ako kasama si Jazmine? Tanong ni Xandra sa sarili at saka nagsimulang maglakad palayo roon.
Naging matatag si Alex sa loob ng mahabang panahon na wala ako, ngayon oras na para gampanan ko naman ang pagiging nakakatandang kapatid. Paalala ni Xandra sa sarili.
KINABUKASAN ay may narecieve na email si Xandra. Naglabas na pala ng statement ang guro nila tungkol sa nangyari kay Alex. Napangiti si Xandra sa nabasa.
"Alexander was a trouble student, if anyone would harm him I wouldn't be surprised at all. He causes commotion everytime we were in class, what else can I say?"
Sa napansin niyang ugali ng guro kahapon ay inasahan niya na ganito ang sasabihin nito. Naghanda na si Xandra para pumasok sa school, imbes na isang sling bag ay mas pinili niyang dalhin ang isang blue na handbag. Sandali niyang sinilip ang cellphone at saka tumuloy na.
"Okay class, for your quiz who can recite a poem of Emily Dickinson" Tanong ng guro sa harapan habang nag-aayos na ito ng gamit dahil tapos na ang klase pero may 15 minutes pang sobra.
"Another surprise quiz na naman" angal ng mga estudyante pero napangiti lang ang guro. Mukhang nasa mood ito ngayong araw dahil kanina pa ito napapangiti.
"For 50 points, wala ulit?" Masaya niyang sabi, halatang minamaliit ang mga taong nasa harapan niya.
"Noong nakaraan nag pa recite siya ng line ni Tom Sawyer at Huckleberry Finn, ano bang naiisip niya?" Bulungan ng mga studyante pero binalewala lang ito ng guro.
"Simula noong nawala si Alex lagi na ulit siyang nagpapaganyan" si Roma naman ang nagsalita ngayon at napasulyap sa upuan ni Alex, nandoon pa rin si Xandra at tahimik na nakikinig.
"Can I?" Nagtaas ng kamay si Xandra na ikinabura ng mga ngiti ng guro, ilang linggo na ring walang nakakasagot sa mga ganitong tanong niya dahil wala si Alex.
"Sure" sa hudyat ng guro ay tumayo si Xandra at tumingin diretso sa mga mata nito.
"Tell all the truth by Emily Dickinson
Tell all the truth but tell it slant,
Success in circuit lies,
Too bright for our infirm delight,
The truth's superb surprise;
As lightning to the children's eased
With explanation kind,
The truth must dazzled gradually
Or every man be blind." May diin sa bawat salitang binitawan ni Xandra, ang lahat ng ito ay paniguradong umabot sa guro, natulala ito at hindi nakagalaw mula sa kinatatayuan niya.
"Ve-very good" sabi niya nang mapansin na pinagtitinginan na siya ng mga estudyante. Inayos niya ang sarili saka mabilis na lumabas ng silid. Kumakabog ang dibdib niya dahil hindi niya iaasahan na iyon ang tulang bibigkasin ni Xandra.
Sandali siyang binagabag ng konsensya at napakapit siya sa dibdib niya...
"I didn't do anything wrong" sabi niya sa sarili kahit pa kabaliktaran nito ang tumatakbo sa isipan niya.
MAG-AALAS TRES na ng hapon kaya't mabilis na naglalakad ang guro na nagngangalang Theresa Padilla, 35 taong gulang at nag-iisa lang sa buhay. Hinahabol niya ngayon ang oras para sa susunod na klase dahil sandali muna siyang nagsindi ng sigarilyo para makapag-isip sa nangyari kay Alex, ang estudyante niyang matalino. Hindi niya ito gusto dahil pakiramdam niya ay mas matalino pa ito sa kaniya. Nang liliit ang tingin niya sa sarili kapag sumasagot si Alex sa klase, lalo na sa mga tanong na kahit siya ay hindi niya alam ang kasagutan.
"Ma'am!" Pababa na siya ng hagdan nang may tumawag sa kaniya.
Mala-late na ako sa klase! Sino ba namang istorbo ito! Bulong niya sa sarili.
Papalingon pa lamang siya sa taong tumawag sa kaniya ay may isang matigas na bagay ang tumama sa ulo niya. Mabigat at malakas ang pagkakahampas nito sa kaniya dahilan para mabilis siyang mahulog sa hagdan. Gumulong gulong siya hanggang sa marating ang malamig na sahig. Ilang beses ring tumama ang ulo at likod niya sa mga bakal na nakaharang sa steps ng hagdan... Nagdidilim na ang paningin niya at namamanhid ang katawan niya sa mga baling buto at sugat, higit sa lahat ay tuloy tuloy ang naging pagdanak ng dugo mula sa malaking sugat sa niya ulo...
"Tu-tulong" bulong niya pero wala ng boses na lumabas mula sa labi niya. Ilang sandali pa ay tuluyan ng nagdilim ang paligid niya.
CHEMISTRY class, pagkatapos ng klase ay nagkagulo ang lahat. Alas-kwatro na ng hapon at medyo tirik pa rin ang araw.
"Si Ma'am Theresa raw nahulog sa hagdan! Kakakita lang ngayon sa kaniya sa may building B!"
"Marami na raw masyadong dugo yung nawala kaya hindi sigurado kung aabot pa sa hospital"
Paulit ulit ang mga bulung-bulungan sa paligid pero balewala iyon kay Xandra. Nakatingin siya ngayon sa handbag niya na puno ng makakapal na libro.
"Cassandra, do you find your partner na?" Tanong ni Roma kung kaya't naalis ang atensyon niya sa handbag. Napailing siya at saka ngumiti.
"Let's look at the bulletin" aya sa kaniya ni Roma. Tumayo naman siya para sumunod, hindi nila kaklase si Lichelle sa subject na ito dahil nasa kabilang section ito. May mga ibang course rin silang kasama ngayon, engineering, dental, at education.
"Cassandra Torress..... Chico Mendes? Si Chico!" Napasigaw si Roma sa tuwa pero wala namang interest si Xandra. Balak niyang bayaran na lang ang kasama sa groupings o kaya naman'y ipagawa ito sa iba.
"Tawag mo ako?" May isang binata ang sumulpot mula sa likuran nila. Matangkad ito at maputi ang kulay ng balat. Maamo rin ang mukha nito at may magandang ngiti. May matangos itong ilong at makapal at mahahabang pilikmata. Matangkad na si Xandra pero mas matangkad ang lalaking kaharap niya ngayon.
"Chico siya si Cassandra, exchange student galing Canada siya kagroup mo sa project sa Chemistry" pagpapakilala ni Roma. Nabigla silang dalawa ng biglang ilapit ng binata ang mukha nito kay Xandra. Sinuri niya ito na para bang isang komplikadong kemikal na kailangan lagyan ng pangalan para hindi maging banta sa iba.
"You look more of a Russian than a Canadian, Cassandra Torres"