PART 30

2289 Words

"Kuya Kevin, tungkol sa pinapahanap mo sa 'kin. Nakita ko na po," pabulong na sabi ni Bubong sa kanya. Nasa puntod kasi sila ng Tita Amy nila. Magkatabi silang nakatayo roon. Kalilibing lang kanina ng Tita Amy nila at sila na lang ang naroon. Nagsiuwian na ang mga nakilibing. Parang hindi pa rin kasi kayang iwanan ni Kevin ang tiyahin. Parang ngayon lang din niya kasi naramdaman na mag-isa na nga lang siya sa buhay. At napakalungkot n'on sa kanyang pakiramdam. "Malapit lang pala ang bahay nila rito, Kuya," sabi pa ni Bubong. Nag-sign of the cross na siya, na ginaya naman ni Bubong. "Saan?" walang reaksyong tanong niya. He put his hands in his pocket. Napapatitig siya sa puntod ng kanyang Tita Amy. Pinapanood niya ang galaw ng apoy ng mga kandila. "Sa Santa Clara lang pala, Kuya."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD