Bass POV
May kaagaw ang kaibigang Red ko ngayon, at yun ay si kaibigan Sean ko naman. Basta ako hahanapin ko na kung sino ang partner ko. Pero teka, di ko pa natatanong si Steph.
"Uy, Steph." Tinawag ko siya ng mahina syempre nasa tabi ko lang siya, pero hindi niya ako narinig.
"Steph." Tinawag ko siya ulit pero hindi padin niya narinig.
"Steph hoy." Pangatlong tawag ko na pero wala padin. Nananadya na nga ata 'to e. Kinakalabit-kalabit ko na siya pero ayaw niya padin. Kinuha niya ang phone niya sa bulsa at parang pumipili ng kanta.
Hinawi ko ang buhok niya, may earphone pala, sa paghawi ko na'yun nilingon niya ako. Tinanggal niya ang magkabilaang earphone na nakakabit sa tenga niya.
Tinaasan niya ako ng dalawang kilay at hinihintay ako na parang may sasabihin ako. Meron naman talaga.
"Bakit?" Tanong niya.
"Sino nabunot mo?" Tanong ko.
"Hindi ko sasabihin, ble." Binalik niya ang earphone niya sa tenga niya pero ako tinanggal ko 'yun para kausapin niya ako ulit.
"Sino nga!" Pangungulit ko.
"Ayoko nga."
"Sige naaaaa."
Umiiling-iling siya.
"Sino muna 'iyo?" Pahabol na tanong niya.
"Ayoko nga, sabihin mo muna iyo." Syempre dapat siya muna magsasabi, baka dayain niya ko at di niya sabihin pagkatapos niyang magsalita.
"Ayoko, mauna ka."
"Edi sabay tayo." Sabi ko, tumango-tango siya at sinabing, "ok."
"Magbibilang ako ah, para sabay." I said and then she nodded.
"1...2...3....." hindi natuloy ang bilang ko ng biglang magsalita ang speaker, "who got Romeo and Juliet." Nang marinig ko ang pangalang Romeo ay tumayo ako agad dahil 'yun ang nabunot ko.
Sabay ng pagtayo ko ay ang pagtayo rin ni Steph.
"Ikaw si Juliet?" Sabi ko kasabay ng sinabi niyang, "Ikaw ni Romeo?"
Nagsalubong ang dalawang kilay niya, at ako naman ay nanlaki ang mga mata ko, sa lahat ba naman siya pa ang makakapair ko.
"Eww, I want to puke." Umarte siya na parang nasusuka, "grabe ka naman Steph." Reklamo ko and then She laughed and said. "Biro lang."
"Actually, I'm glad. Ayokong makapareho ang kung sino-sino lang diyan." Bulong niya, hindi ko inakala ang sinabi niya. Napaisip ako, siya ba talaga si Steph.
Parang may naramdaman ako sa dibdib kong biglang bumigat. Huminga ako ng malalim baka sakaling makatulong sa pagkawala nun. Bakit ganun?
"Akala ko, gusto mo talaga akong isuka." Sabi ko.
"Gusto mo ba?"
"Hindi no." napailing-iling siya habang nakangiti. Humarap na siya sa harap kung nasaan ang speaker nagsasalita. Humarap narin ako.
"Please, come here. Kayong dalawa." Aya ng Speaker samin. Sumunod naman kami sa sinabi niya at sabay na pumunta sa harap.
Pagkarating na pagkarating ko sa harap, nang makalapit ako ng kaunti sa speaker ay tinanong ko siya, "anong gagawin namin?" Pabulong na tanong ko. She mouthed 'wait lang'. Tapos sumenyas pa. Tumango nalang ako at tumabi na kay Steph na nakaharap na sa kanila.
"Ang gagawin nilang dalawa ay magrerecreate sila ng scene sa Romeo and Juliet at ipeperform nila 'yun ngayon sa harapan ninyo." Napalingon kami ng sabay ni Steph sa speaker. Hindi ko nagustuhan ang gusto niyang mangyari.
"Ano?!" Sabay na sigaw namin ni Steph. Hindi magandang ideya talaga ang sumali dito. Dapat pala sa swimming club ko nalang sila inaya. Malay ko bang aarte kami ng ganito sa harap.
"Kaya nga acting club diba?" My inner me, said.
"Manahimik ka nga diyan." Saway ko.
"Sino kausap mo?" Napailing naman ako ng marinig ko si Steph.
"Ha?"
"Sabi ko sino kausap mo."
"Wala." Umiling ako. Binaling ko naman ang attention ko sa speaker. Tatanungin ko siya, di ko kaya pinapagawa niya.
"Seryoso ka diyan?" Tanong ko. Tumango siya.
"Natatakot ba kayo?" Sabi niya. Aba, sinabihan ba naman kaming takot.
"Hindi kami takot, ano ba. Pano ba gawin yan." Pinalo ako ni Steph sa braso, binulungan niya ako ng, "baliw ka ba?"
"Wag ka mag-alala. Kaya na'tin 'to." Pabulong na sabi ko. Napailing nalang si Steph, "bahala na nga, ano pa nga bang magagawa na'tin, nandito na tayo sa harap." Mahinang bulong niya.
"I Have here you're script. We'll give you 3 minutes-----" naputol ko ang sasabihin niya ng marinig ko ang sinabi niyang 3 minutes lang daw ang ibibigay niya samin, "3 minutes!?" Tumango siya. Nilingon ko si Steph.
"3 minutes lang." Sabi ko sa kaniya.
"I'm good at memorizing Bass." Napahawak ako sa ulo ko. Pati pala dito kailangan ng utak. Oh, naalala ko. Matalino nga pala ako, sisiw lang yan.
Inabot samin ng speaker ang tag-isang script namin. Nanlaki naman ang mata ko, ang haba! Iniling ko ang ulo ko. Tumango-tango ako at binulong na, "easy."
Binasa ko ang isa-isa ang magiging lines ko. Binilang ko kung Ilan ang lines ko. Puchang numero bente uno! ano ba ito? Napakahahaba naman. Duduguin din ang utak at ilong ko dito.
Twenty-one lines, in 3 minutes? Kakabisaduhin ko talaga? Seryoso. Hindi ba 'to joke?
Inangatan ko ng tingin ni Steph na busy sa pag-babasa. Huminga ako ng malalim at ibinalik na ang tingin ko sa script. Pumikit ako at inisip ko na, "Lord, help me."
1 more minute left, may natitira pa akong line na kakabisaduhin. Pinagsisisihin ko na nagmatapang ako kanina. Sana pala sinabi ko nalang na takot kami. Inangatan ko ng tingin ni Steph. She's looking at me. Parang feeling ko tapos na siya dahil naka cross arms na siya.
Napailing nalang ako, kailangan ko ng matapos! Ilang segundo nalang ang natitira.
"10...9...8..." natataranta na ako. Pabalik-balik na ang tingin ko sa papel ko. Hindi ko na alam kung anong ginagamit kong way ng pagkakabisado.
"7...6...5" dalawang lines nalang please help me!
"4...3...2...1" whooo, mission accomplished. Naibaba ko na ang papel at napatingala ako. Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago ko binalik ang sarili sa ayos.
"Ready na ba kayo makita ang act nila?" Tanong ng speaker sa harap. Hindi sila sumagot, tumango lang sila. Tamad magsalita?
"Ok, Bass and Steph as Romeo and Juliet. You may Start your Act now."
Huminga ako ng malalim bago humarap kay Steph. Kinuha ko ang dalawang kanay niya.
"If I profane with my unworthiest hand
This holy shrine, the gentle sin is this:
My lips, two blushing pilgrims, ready stand To smooth that rough touch with a tender kiss." At yun nga, ganun ang line hays.
"Good pilgrim, you do wrong your hand too much, Which mannerly devotion shows in this, For saints have hands that pilgrims’ hands do touch, And palm to palm is holy palmers’ kiss." She said. It's all about kiss and kiss and kiss.
"Have not saints lips, and holy palmers too?" I reply.
"Ay, pilgrim, lips that they must use in prayer."
"O, then, dear saint, let lips do what hands do."
We act that we're about to kiss. Inilapit namin ng kaunti ang mga mukha namin. Atsaka sabay na kaming lumayo sa isa't-isa.
Para akong nabunutan ng tinik ng makalayo ang mukha niya sa'kin, bumigat nanaman kasi ang dibdib ko ng nararamdaman ko ang paghinga niya at ang kaalaman na malapit ang mukha niya sa'kin.
"Give them a round of aplause everyone!" Nagpalakpakan ang lahat. Ikinalma ko ang sarili ko. Ano ba itong nangyayari sa'kin.
"Hoy, Bass. Di ka pa babalik sa upuan natin?" Nawala ako sa huwesyo ng pagiisip ko at naibaling agad kay Steph.
"Ah...oo. Eto na nga, babalik na." Nauna siyang maglakad at sa likod niya ako sumunod.
Hindi ko na maintindihan kung anong nangyayari sa'kin. May sakit na ba ako sa puso?
Yumuko at sinabi kong, "Si Steph lang naman 'yan e." Nabulong na sabi ko. Nauntog ako bigla sa kung saan. Napahawak ako sa ulo ko.
"Aray ko." Inangat ko ang ulo. Huminto pala si Steph.
"Bakit narinig ko pangalan ko?" Tanong niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.
Tinaasan niya ako ng kilay.
"Ahh...Ehhh...hindi ah. Hindi naman kita binanggit ah."
"Hindi daw, narinig ko kaya." Katwiran niya.
"Sabi ko, 'yung STEPin ko nakalimutan ko kung saan ko nalagay sa bahay. Baka kasi mamaya sa bahay wala akong masuot." Palusot ko, akala ko hindi nanaman gagana sa kaniya ang palusot ko. Tumango lang siya bumalik na sa paglalakad pabalik sa upuan niya.
Nang makalapit ako sa dulo ay naininag kong nakatingin sa'kin si Red at Sean.
Binigyan ako ng thumbs up ni Red. Nginitian ko siya tapos nang makalapit ako sa tapat ni Sean ay may sinabi siya sa'kin.
"Ang galing mo, bagay kayo." Pabulong na sabi niya.
"Siraulo ka ba?" Pabalik na bulong ko. Hindi ko na siya pinansin at tinuloy na ang lakad palapit sa upuan ko.
"Seryoso ako Bass!" Sigaw ni Sean.
Nilingon ko siya, "Gago." I mouthed.
Naupo na ako sa upuan ko at napa, "hay salamat." Nalang ako.
Arra's POV
Natapos mag-act sina Bass at Steph. Naupo na sila sa kani-kanila nilang upuan. Nagsalita naman ang Speaker sa harap.
"Kung akala niyo po gagawin niyo din ang ginawa nila, hindi po. Si Steph at Bass ay excempted na sa mga activities na magaganap pa ulit mamaya, they authomatically have a points. Ang magiging points ng may pinakamaraming makukuha ay magiging katumbas din iyon ng magiging points nila Bass. " nilingon ko si Steph. She's smiling. Syempre hindi na nila kailangang maghirap pa.
"Yes, may pointings po tayo. Lahat po ng makakakuha ng points ay may katumbas na price. Hindi namin kayo pinapunta dito para lang magsaya. Lahat ng saya ay may kapalit din." Lahat ng tao sa paligid parang nasiyahan. May price eh.
"Hindi po kami namimigay ng pera ah." Bumagsak ang kani-kanilang balikat ng marinig nila iyon. Napailing ako at napatawa.
"Ang points ay para sa inyong extra-curricular activities na maaring makatulong sa academic grades niyo." Napatango-tango naman ako sa sinabi niya. Much better kesa sa ano mang bagay. Ito naman talaga ang ipinunta ko dito.
Yup, I don't need this one kasi nga matataas na ang grades ko. Pero makakatulong ito para hindi ako mangambang mawawala ang scholarship ko.
Nilingon ko si Red, nakikinig siya sa sinasabi ng speaker kaya hindi na ako nagtangka pa na istorbohin siya.
Kinalabit ako ni Sean mula sa kaliwa ko. Nilingon ko siya, at as expected sinabulungan niya ako ng ngiti.
Tinaasan ko ng kilay at sinabi kong, "bakit?" Humarap ako ng kaunti sa kaniya para hintayin kung anong sasabihin.
"Ano kaya sa tingin mo ang gagawin natin?" Tanong niya. Nagkibit balikat ako.
"Hindi ko lang alam." Sabi ko.
"Malalaman namin natin yan mamaye e." Dagdag ko. Tumango-tango siya, ngumiti siya bago inalis ang tingin sa'kin. Ginawa ko rin ang ginawa niya, humarap na ako para makinig sa sinasabin ng speaker.
"Kindly please, everyone stand up." Sinunod namin ang sinabi niya.
"Tulungan po natin ang isa't-isang itabi ang upuan para magamit natin ang space dito." Utos niya. Nilingon ko ang upuan ko at tangkang kukunin ko na sana ito para buhatin kaso may pumigil.
"Ako na dito." Nilingon ko si Sean na hawak ang upuan ko. At nilingon ko din si Red dahil sabay ding sinabi niya na, "let me handle this." Tiningnan ko silang pareho. Nilingon ko silang dalawa. Hawak nilang dalawa ang upuan ko.
"Ako na." Sabi ko. Sabay nila akong tiningnan at inilingan.
"Oh, sino magbubuhat niyan sa inyo?" Tanong ko. Tinaasan ko sila ng kilay. Tumingin sila ng sabay sa'kin at sabay din nila tiningnan ang isa't-isa.
"Ok, suko na ako." Binitawan ni Sean ang upuan at hinayaang si Red ang bumuhat. Tumungo si Red sa dulo para itabi ang upuan.
Hinarap ako ni Sean, he smiled again.
"Dun muna ako kay Andy ah." Sabi ko. Tumango namab siya. Hindi ko na hinintay si Red na makabalik at pinuntahan ko si Andy.
Naglakad na ako papunta sa direksyon ng tinatayuan ni Andy. Katabi niya si Ren at parang nag-uusap pa sila.
Nang makalapit ako sa harap niya ay sa wakas ay nakita niya ako.
"Oh, anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.
"Pinupuntahan ka." Sagot ko.
"Bakit di ka dun sa dalawa mong jowa."
"Baliw ka talaga Andy."
Tinabihan ko siya sa kanan niya at saktong pagtabi ko ay humabol sa'kin si Red at tumabi sa kanan ko rin. Ganun din si Sean, kay Red naman siya tumabi.
They both look at me first kanina bago sila makarating pwesto nila ngayon. Nginitian ko lang sila tapos nakipagusap na ako ulit kay Andy.
"May chika ako mamaya sayo later." Bulong niya.
"May mamaya nga, may later pa." Sabi ko.
"Basta yun, mamaya. Pag tapos ng nito." Sabi niya. Tumango ako.
"Lahat ng pairs pumunta na dito sa harap." Sabi ng speaker.
Lumakad naman ako papuntang harap, sinabayan ako ni Red sa kanan ko at lumipat naman si Sean sa kaliwa ko.
Ng makarating kami ay sabay-sabay kaming huminto.
Nilapagan kami ng dyaryo sa harap. Mas malaki ang amin kumpara sa iba. Dahil nga tatlo kami. Medyo na-aawkwardan ako dahil tatlo kaming maglalaro nito.
"Music cue!" Inikutan na namin ang dyaryo. Medyo panatag pa ako dahil malaki pa ang dyaryo. At maya-maya lang ay huminto na ang music. Madali lang namin napagkasya ang aming mga sarili.
Kaya naman nakapasa kami sa unang round. Para ito sa points!
Itinupi ni Sean ang dyaryo. Sa pagkakakita ko ay hindi parin kami mahihirapan. Kaya ayun, sinimulan na ulit ang music. Huminto ito at pinagkasya ulit namin ang aming mga mga sarili.
Nakapasa kami sa pangalawang round.
Ang pangatlong tupi, ay mukhang mahirap pa. Nagstart ang music at nagusap silang dalawa.
"We'll both hold Arra. Para hindi siya matumba. May space pa sa pagitan natin pagtumayo sayo. Doon si Arra sa Gitna pero mahihirapan siyang magbalance. Kailangan niya ng alalay." Sabi ni Red.
"Copy." Sean replied. Huminto ang music at nagawa namin ang sinabi ni Red.
Nagsimula ang pang-apat na round.
Nilibot ko ang paligid. May nangyayaring ikinatatayo ng balahibo ko. Napahinto ako sa pag-ikot. Pati si Sean at Red.
"Look whats happening?" Nilibot nila ng tingin ang paligid. Ang iba ay busy padin sa pagikot.
Nalandas ang tingin ko kay Bass at Steph, they are both shock too.
"Why some of pairs are disappearing?" Tanong ni Red.
"Literal na nawawala." Sabi ni Sean.
"What's happening?"