Tinignan ko ang mataas na building ng St. Lukes Hospital. Ito na siguro ang huling beses na makikita ko ang hospital na ito. Ito na rin siguro ang huling beses na bibisita ako dito ngayong taon.
Huminga ako ng malalim at hinigpitan ang hawak sa isang bouquet ng mga puting rosas. Kabibili ko lang nito sa isang flower shop na nadaanan ko bago makarating dito. Nagsimula na akong humakbang papasok sa hospital. Hindi ko alam pero parang bawat hakbang, bawat segundong dumadaan mas lalong bumibigat ang aking nararamdaman.
Ayoko ng ganito. Ayoko na. Tama na siguro ang mga panahon, oras at sandali na ginugol namin dito ng wala namang nangyayari. Mas lalo lang kaming nahihirapan. Alam kong alam niya ito pero gusto ko pa ring malaman ang magiging desisyon niya. Mahirap man tanggapin pero kailangan naming gawin. Kailangan kong kayanin.
Sumakay ako sa elevator at pinindot ang button ng 5th floor. Sa bawat pagtaas ng mga numero sa elevator, tumataas rin ang kabang nararamdaman ko. Halos mabingi ako sa lakas ng t***k ng puso ko.
Itutuloy ko pa ba? Oo, kailangan kong ituloy. Kailangan kong tatagan ang loob ko para sa aming dalawa. Hindi pwedeng dahil sumusuko na siya, susuko na rin ako. Kailangan kong lumaban kahit sa huling sandali. Hays, gusto ko na siyang makita.
Huminto ang elevator sa 5th floor. Dali dali akong lumabas ng pinto at lakad-takbo kong pinuntahan ang kwarto niya. Nakita ko kaagad si Tita Melanie na naghihintay sa labas ng pintuan habang nakadungaw sa bintana ng pinto ng kwarto niya.
Napangiti naman si Tita ng lumingon siya sa akin. Nginitian ko siya at agad na niyakap. Mahina siyang humagugol sa aking balikat at humigpit ang yakap niya. Pinapatahan ko naman siya.
"Tahan na po Tita, wag na natin siyang pahirapan. Alam ko pong magiging masaya siya bago siya umalis." Humiwalay na siya sa akin at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.
"Iwanan mo ng magandang ala-ala ang anak ko, Lacey" Tumango ako ng paulit ulit habang piinipigilan ang pamumuo ng luha sa aking mga mata.
Sumilip si Tito Bren at Masie. May binulong naman si Masie sa kuya niyang nakahiga sa kama. Ang lalaking nakahiga sa hospital bed at maraming nakalagay sa katawan ay ang pinakamahal kong tao. Ang taong nagturo sa akin kung gaano kasarap ang maging masaya. Ang taong nagparamdam sa aking ng totoong pagmamahal ay siya ring nagpaparamdam sa akin ng sobrang kalungkutan. Siya ang boyfriend kong si Matthew.
Nakahanda na ang camera ni Masie dahil sinabihan ko siyang irecord ang lahat. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan. Ngumiti ako sa kaniya. Pinigilan ko naman ang luha ko ng ngumiti siya sa akin pabalik. Bawat araw na bisita ko sa kaniya, lumalaki ang pagbabago ng itsura niya. Sa kalagayan niya ngayon, alam kong sobrang nahihirapan na siya.
Pinilit kong ngumit ng sobrang lapad habang inumpisahan kong kumanta. Dahan dahan rin akong naglalakad papunta sa kaniya. Sa mga oras na ito, gusto kong tumigil ang takbo ng oras. Gusto ko na kaming dalawa lang nandito sa loob ng kwarto niya. Gusto kong pilitin niya pang lumaban.
I'm trying to hold my breath
Let it stay this way
Can't let this moment end
You set off a dream in me
Getting louder now
Can you hear it echoing?
Hiniling ko sa Diyos na sana sa mga oras na ito, naglalakad na ako sa red carpet papuntang altar ng simbahan. Hinihintay niya akong marating ang puwesto niya sa dulo. Hiniling ko na sana pagnarating ko ang puwesto niya ay dadalhin niya ako sa altar, hahawakan ang aking mga kamay, at makikipagpalitan ng vows sa isa't isa. Hiniling ko na sana totoo lahat ng hinihiling ko ngayon pero walang ganoon. Walang ganoon ngayon. Hanggang hiling na lang lahat ng iyon.
Take my hand
Will you share this with me?
'Cause darling without you
Umupo ako para matapatan siyang nakahiga. Inilipag ko ang bouquet na hawak ko sa gilid niya at hinawakan ang mga kamay niya. Parehas kaming umiiyak na pero nakangiti pa rin habang nakatingin sa isa't isa.
All the shine of a thousand spotlights
All the stars we steal from the nightsky
Will never be enough
Never be enough
Lahat ng pinagsamahan namin, para sa akin ay hindi pa rin sapat. Ang lalaking gusto kong makasama habang buhay ay ang lalaking iiwan rin pala ako habang buhay. Iiwanan ng may mga magagandang alaalang hinding hindi ko kakalimutan.
Towers of gold are still too little
These hands could hold the world but it'll
Never be enough
Never be enough
For me
Hinigpitan ko ang paghawak sa mga kamay niya. Syempre, iniwasan kong mahawakan ang kamay niyang may nakatusok na dextrose. Dire-diretsong umaagos ang mga luha kong pasaway sa aking mga pisngi. Binitawan niya ang isa kong kamay para punasan ang mga luha ko.
"Napakagaling talaga ng prinsesa ko. Hindi mo ba alam na mas lalo mong nabihag ang aking puso?" pinunasan ko rin ang mga luha niya. Napatawa ako ng mahina dahil nagawa niya pang bumanat kahit hinang-hina na siya.
"Hindi mo rin ba alam na mas lalo kitang minamahal?" Napangiti siya sa sinabi ko. Ang sakit makita na kahit pagngiti ay nahihirapan na siya.
"I love you so much my princess. Thank you for everything, for loving me endlessly. Please, I want you to be happy. Sana kapag wala na ako, makahanap ka ng ibang magmamahal uli sayo katulad ng pagmamahal na ibinigay ko sayo." Napahagulgol na ako dahil nagmumukhang last will na niya ito.
"I love you so so much, Mat. Yes, if that's what you want, gagawin ko. Pero hindi ko napapangakong magiging madali ang lahat. Hindi ka madaling kalimutan Mat, eh. Masyado kitang mahal kaya baka matagalan pa. Please Mat, I want you to be happy kung saan ka man mapunta. Guide us from where you're going ha." Hawak ko na ang pisngi niya. He gently caress my hair hanggang sa bumaba iyon sa aking cheek.
I kissed him for the last time. Hinalikan niya naman ako sa noo. Hindi pa rin tumitigil ang mga luha ko sa pagtulo. Ayoko ng matapos ito. Pwede bang wag na lang siyang umalis? Ang hirap. Sobrang hirap.
"Hinintay lang kita prinsesa ko. Mag-iingat ka palagi and please pakibantayan si Masie lalo na sa mga magiging boyfriend niya." Napangiti naman si Masie pagkalingon namin sa kaniya. Nakahawak pa rin siya sa camera niya na nakatutok sa amin ni Mat. Hindi ko napansin na naiyak na rin pala silang tatlo.
"I will, I promise."
"Lacey?"
"Yes hon?"
"Will you sing me one last song before I go to sleep?"
"Sure, basta ikaw."
Pumipiyok na ako at hindi na rin kagandahan ang boses ko pero pinilit ko pa ring kantahan siya dahil alam ko, alam naming lahat, na ito na ang huli. Handa na siyang iwan kami.
You gave me a reason for my being
And I love what I'm feelin'
You gave me a meaning to my life
Yes, I've gone beyond existing
And it all began when I met you.
"Mat?" Kinabahan ako ng pumikit na siya. Alam kong handa na ako pero ayoko pa talaga siyang mawala. Natatakot ako, sobra sobra. Nakaramdam ako ng konting ginhawa ng narinig ko siya.
"Hmm?"
"Mahal na mahal kita. Natatakot talaga akong mawala ka. Natatakot ako Mat. Pwede bang wag ka na lang umalis?" Lumalakas na ang pagtulo ng mga luha ko ulit.
"Continue your song hon, please"
"Mat naman eh!" Hindi na ako natutuwa. Ito na iyong kinakatakutan ko.
"Please?" Nakapikit pa rin siya at naririnig ko na ang paghabol niya sa hininga niya.
You taught me how to love
You showed me how tomorrow and today
My life is diff'rent from the yesterday
And you, you taught me how to love
And darling I will always cherish you
Today, tomorrow and forever.
Napatigil ako ng makarinig ako ng monotone na sound sa tabi kong machine. Lumakas ang pag-iyak ko at niyakap ko ang katawan niya. Paulit-ulit kong sinisigaw ang pangalan niya. Ang sakit, sakit.
Today, 6pm in the evening, my boyfriend Matthew left me. He died from a heart failure.