Maxine Point of View Hinatid ako ni manong Irno sa isang two storey house, actually maraming bahay rito sa island at karamihan ay two storey. Si manang Erna ay may pinuntahan kaya si manong Irno ang naghatid sakin dito sa bahay na'to. "Maiiwan na kita hija, babalikan kita rito kapag kakain na tayo ng hapunan." Sabi ni manong Irno at umalis na. Pumasok ako sa loob ng bahay, bumungad sakin ang sala na hindi kalakihan. May couch na hindi kahabaan at meron nakadikit sa wall na 56 inches na TV, samsung ang tatak. Umakyat ako at kumaliwa, nakita ko ang isang pinto. Binuksan ko ito at bumungad sakin ang kwarto na maganda. Kapag umaga maganda rito dahil kitang kita mo ang magandang view ng island. Nilapag ko sa gilid ang aking maleta at umupo sa kama. Dinukot ko sa bulsa ang aking cellpho

