C8: Deal Starts Now Mura ng mura sa kanyang sarili ang dalaga. Kinakabahan siyang papunta sa opisina ni Steven ngayon. Akala niya'y nakalimutan niya ang lahat ng nangyari kagabi pero hindi pala, lahat ng detalye kagabi ay tandang-tanda niya. Walang labis, walang kulang. "Sir, g-good morning!" Bungad niya dito na hindi makatingin pagkapasok sa opisina nito. Tumayo ang binata at lumapit sa kanya ng seryoso. As always. Lagi naman itong seryoso. "Ms. Alegre, what did you remember last night?" "What do you mean, Sir?" Hindi makatingin sa binatang pagkukumpirma nito. "Wala kang naaalala? Gusto mo bang ipaalala ko sa'yo?" Titig na titig sa kanya ang binata ngayon. Palapit ito ng palapit sa kanya. "Huh?" Naghahanap siya ng dahilan sa paligid. Lumapit pang lalo ang binata hanggang sa isang

