CHAPTER 32 “Patay na ang Papa mo.” “Patay na si Papa? Patay na ang Papa ko.” mabilis na naglakbay ang luha ko. Hindi ko namalayan ang pag-upo ko dahil pakiramdam ko nanghihina ang aking mga tuhod. Humagulgol na ako habang sapo ko ang aking ulo. Nararamdaman ko ang paghaplos ni Mama sa likod ko. “Sino Ma? Sino ang pumatay kay Papa?” Umupo si Mama sa tapat ko. Tinignan na muna niya ako. Halatang hindi niya alam kung sasabihin niya sa akin o hindi ang ikinamatay ni Papa. “Ano Ma? Sabihin ninyo sa akin kung anong nangyari. Kung sino ang pumatay kay Papa.” Bumunot muna ng malalim na hininga si Mama. Pinunasan niya ang kanyang mga luha saka siya nagsimulang maglahad. “Hindi

