CHAPTER 38 ISINAKDAL KO SI SIR JOEMAR ANCHETA “Ibaba mo ang baril mo! Hayop ka! Akala ko naman totoo ka! Baba!” sigaw niya sa akin. “Okey. Sige. Ibaba ko na. Kalma.” Dahan dahan kong ibinababa ang baril ko. “Hayan. Marunong ka naman palang sumunod e. Sipain mo ang baril mo!” Sumunod pa rin ako. Hindi nga lang ako nagpakita sa kanya ng takot. “Tang-ina, hindi ba’t nakakulong ka? Paano ka nakalabas?” “Gusto mob a ikuwento ko pa sa’yo?” “Sabi ko na nga ba e. Pamilyar kang gago ka. Pareng Nelson, bilis kunin mong baril niya.” Tumingin siya kay Nelson. Hindi na ako threat pa sa kanya. Nakatutok ang baril niya sa akin ngunit kay Nelson na siya

