CHAPTER 48 ISINAKDAL KO SI SIR JOEMAR ANCHETA “Putang inaaaa! Roxxx anak! Anong ginawa mo! Walang kasalanan ang anak ko sa’yo, putang ina ka!” “Gano’n ang dapat pumatay, ulo agad. Ano ha? Ako ba may kasalanan? Ang Papa ko ba, may kasalanan sa’yo? Anong karapatan mo ngayon na tanungin ako kung bakit ko pinatay ang anak mo na wala namang kasalanan sa akin?” Humalakhak ako! “Tang-ina mo! Ako ang harapin mo! Matapang ka dahil may baril ka pero magtuos tayo. Ako ang may kasalanan hindi ba? Ako ang kalabanin mo!” singhal niya. Nakita ko ang pag-agos ng kanyang luha. Umiiyak rin pala ang isang kriminal? Humakbang na siya palapit sa akin. “Sige, subukan mong lumapit, may dalawa pang tulug na tulog dito oh? Ang asawa at paborito mong anak na

