The hot young man takes over his father position. At his young age he was obliged to handle a big company Brian Montemayor as the new CEO of Monte Company! "Nagkita na ho kami,” sabi ko kay Nanay. Inalis ko ang aking tingin sa newspaper na binigay niya sa akin. Bakas sa mukha ni Nanay ang gulat. "Talaga?" umubo ulit siya dahil sa kahirapan sa pagsasalita. "Kailan? Paano kayo nagkitang dalawa? Sinabi na ba niya sa iyo ang tungkol sa tunay mong pagkatao?" nanghihina na si Nanay, nakikita ko 'yon pero pinipilit niya pa rin talaga ang kaniyang sarili upang makapagsalita. Alam kong napaka-makasarili ko sa ginagawa kong ito pero gusto ko lang malaman ang katotohanan kaya ako nagpunta dito sa Hospital para alamin ang lahat kay Nanay. "Opo. Nagkita na po kami. Nag apply po ako sa Monte Compa

