"Ha? Ano kasi," hindi ko matuloy ang sasabihin ko. Wala akong maisip na idahilan sa kanila. Bakit kasi hindi na lang nila sabihin sa akin kung nasaan ang opisina ni Brian? Siya lang naman ang gusto kong makausap dito, hindi naman sila e. "Siya 'yon! Hulihin n'yo siya!" Halos lahat ng tao ay napatingin sa maraming gwardya. Teka ako ba 'yung tinuro nung sumigaw? Lahat sila sa direksyon ko papunta. Ang dami nila ha. Anong meron? Hala huwag mong sabihing... Diyos ko ano nang gagawin ko? Mahuhuli na nila ako. Siguro nalaman nilang pumuslit lang ako para makapasok dito kanina. Natataranta na ang diwa ko at isip kung paano makakatakas. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko dahil sa oras na igalaw ko ito siguradong katapusan ko na sa Earth. "Sandali lang naman po. I can explain!" pakiusap ko nang ma

