"These are the suspect in your criminal case. Everyone in your family is involved except with your dad." Panimula ni Brian. Nandito kami sa office niya at nakaharap sa laptop niya kung saan nakadisplay ang picture ng mga taong puwedeng may sala sa pagkamatay ko. I scanned every face. Karamihan doon ay kapamilya ko. Ang iba ay si Oliver at ang college friends ko na kasama ko raw sa party bago ako tuluyang nawala. "Bakit hindi kasali si Dad sa maaring pumatay sa akin? Napatunayan bang wala talaga siyang kinalaman doon?" Hindi sa gusto kong masama si Dad doon, ang akin lang, paanong nangyaring buong pamilya ko ang suspect bukod kay Dad, nakakapagtaka lang. "He's in Macao that time." He explained. "He can't kill you if he was that far." "Paano kung nag-hire siya ng tao para pumatay sa akin

