DAKZEIN POV: Habang hawak-hawak ko ngayon ang aking anak ay para bang gusto ko na lamang din magpakamatay. Napakag-gago ko kasi. Kung hindi ako pumayag sa kondisyon ni Ava ay hindi hahantong lahat sa ganito. Pero dahil din dito sa lintik na libog na ito ay nawala sa akin ang aming anak at maging ang aking asawa. Alam kong mali na inilihim kong lahat kay Mara, may choice akong magsabi ng lahat sa kan'ya,pero hindi ko ginawa,dahil habang tumatagal ang lihim namin na relasyon ni Ava ay nagugustuhan ko na din ito. Tama ang kapatid kong si Myles,naturingan akong Sarhento,pero nagpatakot lamang ako kay Ava noong una. Ano nga ba ang ipapaliwanag ko sa aking asawa kung nakita na mismo ng kan'yang mga mata ang ebidensya na sarap na sarap ako sa kandungan ni Ava. Oo,aamin kong dala ng kalibug

