Nang bandang hapon na ay isang mamahalin na kotse ang pumarada sa shop ko. Bumaba ang naka-suit na lalaki na napatanga na lamang ako dahil sa lakas ng dating nito. "Hi, Sir!" Pagbati ko pa dito "Hello Lady," ganting bati nito sa akin. "Kukunin ko lamang ang ipinagawa kong personalized bouquet of flowers." Nakahinga ako ng malalim ng bigla itong magtagalog,ang akin akala ay Italiano ito base sa kan'yang mukha. Ang akala ko ay kailangan ko na naman maging alien. Sa totoo lang kasi sa bansang ito ay marami ang banyaga, kaya naman kahit paano ay natuto na din akong magsalita ng iba't-ibang lengwahe. Kahit paano ay naiintindihan naman ako ng aking mga costume. Hindi ko akalain na ang aking hilig noon sa halaman ay magiging business ko ngayon. "Ito na po Sir," sabi ko pa sabay abot n

