Kung hindi pa nahulog ang lunch box na dala ni Xia ay tila hindi s'ya mapapansin ng dalawa. Napabitaw si DAKZ sa kanyang girlfriend at napatingin ito kay Xia na ngayon ay kita n'ya na nagbabadya na ang mga luha nitong pinipigilan. "Who is she, hon? Why is there a woman with you here?" Sunod-sunod na tanong pa ni Ava sa kay DAKZEIN habang nakataas ang kilay na nakatingin kay Xia. Matalim ito kung tumingin na para bang kinikilatis nitong maigi ang dalaga na ngayon ay pinipigilan naa "S'ya si Mara, kapatid ni Javier na bestfriend ko na matagal mo naman na kilala." Sagot ni Dakz na kampante lamang na pinapakilala si XIAMARA sa girlfriend nito. Bumitaw si Ava sa pagkakapulopot ng kan'yang mga braso kay DAKZ at naglakad ito palapit kay Xia. "Hi Mara, masaya akong makilala ka." Nakalahad pa

