"Ay! Dakz mahulog ako." Napasigaw pa ako,dahil sa binuhat na ako nito. Naglalaro kasi kami ngayon at kailangan bawat tupi ng papel ay nasa loob kami. Dalawa na lamang kaming parehas ngayon at itong pasaway na lalaking ito ay bigla ba naman akong binuhat,napaka-competitive talaga n'ya kahit kailan. Akalain mong nagawa n'ya pa na makatapak sa isang kapirasong papel. Habang karga-karga ako.. Hindi din naman ako magaan kaya naman alam kong nahihirapan din ito. Hanggang sa bumilang na ang isa sa mga teacher at natumba naman ang isang pares kaya naman ang ending ay kami ang nanalo. Kita ko ang saya sa mga mata ng mga bata ng marinig nila na kami ang nanalo. Hindi ko lang maintindihan kung bakit parang dito sa school ni Kiffy ay parang hindi kilala si Ava,dahil pagdating namin kanina ay inaka

