"Bakit naman ayaw mong sabihin sa amin kung paano mo ba kami natunton dito?" Tanong pang muli ni Mara sa kan'ya. "Katulad ng sinabi ko kanina ay hindi n'yo na kailangan pang malaman. At halika na nga at ako na ang mag-uuwi sa'yo sa bahay n'yo." Sagot ni Dakz kay Mara na lumapit pa s'ya dito para hawakan ang.kamay nito. "Sandali lamang Sarhento,baka naman nakakalimutan mong ako ang kasama ni Ganda na pumunta dito,kaya ako din dapat ang maghatid sa kan'ya pauwi sa bahay nila." Seryosong sabi pa ni Syd na ngayon lamang nakita ni Mara na suneryoso ito. Nakakatakot pala itong mag-seryoso. Kanina kasi ay puro lamang sila tawanan ni Syd ngayon ay parang hindi na ito maaring biruin. Ang hirap talaga kapag ang isang taong masayahin ay biglang tumahimik. Hindi mo alam kung anong pumapasok sa kan

