"Kakayanin ko ito!" Pagpapalakas pa ng kan'yang loob na sabi ni Xia sa kan'yang sarili. Napatingin pa s'ya sa kan'yang kaibigan na si Myles na naka-aja post pa. Nandito kasi s'ya sa tapat ng building kung nasaan ang condominium ni Dakz. Nakasuot s'ya ng mask at nagsuot na din ng contact lense para hindi na s'ya makilala pa nito. Mabuti nga at nagawa nilang mabayaran ang totoong naglilinis sa condo ng binata. Tatlong beses ito kung maglinis sa como ni Dakz kaya naman alam na din nito na darating s'ya. Inayos n'ya muna ang kan'yang pekeng kulot na buhok at ang nunal sa may noo. Naglakad na s'ya paakyat at dumiretso sa elevator. Nang nasa harap na s'ya ng mismong harap ng condo ni DAKZ ay napaantanda pa ito. Kumatok s'ya at agad naman na may nagbukas nito. "Nand'yan ka na pala Ate

