PINAGMAMASDAN KO LAMANG SILA DITO SA MALAYO HABANG INILILIBING ANG ANAK NAMIN. Hindi ko magawang makalapit sa kanila, dahil pinigilan na ako nila mommy,ayaw kasi akong makita ni Mara. Hindi ko itong yakapin at sabihin sa kan'ya kung gaano ako nagsisi sa aking nagawa. Pero hindi ko magawa dahil palapit pa lamang ako sa kan'ya ay nagwawala na ito at makakasama iyon sa kan'ya. Hihintayin ko na lamang muna na makaalis sila bago ako lumapit. Kalalabas lang din ngayon ni Mara sa hospital at nakasuot pa nga ito ng hospital gown. Ayaw na sana ng kan'yang mga magulang na dalhin ito dito,pero magpumilit ito. Ang sakit makita na lumuluha na naman s'ya ng dahil sa akin. Kung noon ay umiiyak s'ya dahil sa mga masasakit na salita ko noon sa kan'ya,para lumayo s'ya sa akin. Mahal ko s'ya,pero gago Ak

