Kinabukasan ay maaga akong gumising at gusto ko na talaga na makita si Myles. Kailangan kong iwan si Bryke kila mommy at sana ay mapaki-usapan ko ito ng maayos. Alam ko naman kasing basta kinausap ko ito ay baka maaring pumayag s'yang dito na muna ka mommy. Dahan-dahan akong tumayo sa aking p'westo at si Bryke ay tulog na tulog pa din hanggang ngayon. Ayaw ko naman na magising ito ng dahil sa akin. Nang maayos akong nakaalis sa pagkakahiga ay dahan-dahan din akong gumalaw papunta ng banyo. Ginawa ko ang aking morning routine at bumaba na muna sa ibaba. GUSTO ko na ipagluto si Bryke ng kan'yang paboritong pancakes na palagi n'yang pinapagawa sa akin kahit noong nasa state pa kami. Pagbaba ko ay nakita ko na agad si Yaya na nag-aayos ng kung ano sa cabinet. "Yaya,ano po ang ginagawa

