TWO WEEK'S LATER Heto ako ngayon at nakasunod lamang sa kotse ni Dakz hindi ko alam kung saan ba s'ya papunta. Sa nakalipas na dalawang linggo ay ganito ang ginagawa ko at ni Myles. Kaya lamang ay wala ito ngayon at magkasama sila ni Syd. Tungkol iyon sa business nila na malapit ng magbukas. Kaya naman tutok na sila sa bawat detalye nito. Si Syd ay hindi ko akalain na bigla na lamang aakyat ng ligaw sa akin na hindi ko binigyan ng chance, masyado s'yang mabait sa akin para lamang gamitin ko. Alam kong sa puso ko ay tanging si Dakz pa din ang nakaukit at ayaw ko din masaktan si Syd ,mas okay sa akin kung magiging magkaibigan lang kami. Natanggap n'ya naman ito at hanggang ngayon ay okay kami. Habang si Dakz ay ito at hindi ko alam kung kailan ba tuluyan na tatalab sa kan'ya ang gayuma.

