Habang masinsinan na nag-uusap ang magkaibigan. Sila DAKZEIN at Ava naman ay pauwi na din ng bahay ng kan'yang mga magulang kung saan ay nandoon din si XIAMARA. Pagkatapos kasi ng check up ni Ava ay nagpunta na muna sila sa presinto para kunin ang kotse ng dalaga na doon n'ya iniwan kahapon. "Hon, ang bilin pala ni Dok ay bawal akong ma-stress dahil baka iyon pa daw ang maging dahilan para ma-trigger ang trauma ko." Nagpapa-awa pa na sabi ni Ava sa kan'yang boyfriend na ang atensyon ay nakatuon sa kalsada. Binabagtas na kasi nila ang daan pauwi at tila uulan pa kaya naman binibilisan n'ya na ang pagmamaneho. Baka kasi kapag lumakas pa ito ay lalong ma-stranded pa sila sa daan. "So,ang mabuti siguro hon ay h'wag ka na munang tumanggap ng mga projects mo ngayon habang hindi ka pa

