"KUYA/ DAKZ!" Sabay pang tawag nila Xia at Myles sa lalaking bumababa ng kan'yang motor ngayon. Hindi nila akalain na ito ang darating. Samantalang si Syd ang hinihintay nila. Bago pa makakapit sa kanila si Dakz ay may isang motor pa na dumating at alam ni Xia na si Syd na ito. "Syd, anong ginagawa mo dito?" Agad na tanong dito ni Dakz ng makilala n'ya ang nakasunod sa kan'ya na motor. "Bibisitahin ko lang si Ganda." Kampanteng sagot ni Syd na nagtataka din kung bakit nandito ngayon si DAKZEIN sa bahay ng mga magulang nito. Ang alam n'ya ay sa condo ng girlfriend nito ito tutuloy ngayon. Pero heto at nandito ito ngayon. "Ikaw Sarhento,ano ba ang ginagawa mo dito? Di ba ang paalam mo kanina ay pupunta ka sa condo ni Ava?" Tanong ni Syd. "May kukunin ako,tama may kukunin ako kaya ako

