Nang marinig ni Xia ang sigaw ni Dakz ay nakaramdam agad s'ya ng takot. Nagulat pa s'ya ng ibaba ni Syd sa motor at pinadapa s'ya sa kalsada. Si Ava naman na noon ay pabalik na sa kotse ay nagtago na lamang at lumuhod,sabay takip ng tenga nito na takot na takot. Sunod-sunod na kasi ang putok ng baril na kanilang naririnig at mabuti na lang din at mabilis ang naging kilos nila Dakz at Syd. Si DAKZEIN ay imbes na sa girlfriend n'ya lumapit ay mas natakot pa ito sa safety ni Mara. Lumapit ito sa p'westo nila Syd. "Mara,okay ka lang ba?" Nag-alalang tanong pa nito sa dalaga. Ini-angat naman nito ang kan'yang ulo at tumingin sa kan'ya. "Oo,okay lang ako." Sagot nito, habang si Syd naman ay bahagyang lumayo sa kanila. Nakipagsabayan ito sa pagbaril sa mga bumabaril sa kanila. Nang masi

