"Dakz kailan ako lilipat sa condo mo?" Tanong ko sa kan'ya ng makalapit ako dito. "Ikaw ang bahala kung kailan mo gusto,basta h'wag mo akong pakialamanan sa mga ginagawa ko.para wala tayong problemang dalawa." Malamig na sagot nito sa akin. "P'wede na akong sumama sa'yo ngayon." Nakangiti na sabi ko sa kan'ya. Ayaw kong pa-apekto sa malamig na pakikitungo n'ya sa akin. Mas gusto ko pa din ay makita n'ya na okay lang ako. "Masaya ka na ba na nasira mo ang relasyon namin ni Ava!? Sa tingin mo! Anong mararamdaman n'ya ngayon na kasal na tayo na wala s'yang kaalam-alam." Galit na wika pa nito na alam kong ganito talaga ang magiging scenario namin dito ngayon. "Dakz maniwala ka naman sa akin na hindi ko plinano ang lahat ng ito. Kahit magtanong ka pa sa manager ng club kung saan ka umin

