Nang matapos ni Dakz ang kan'yang mga kailangan gawin ay dumiretso na muna s'ya sa bahay nila Mara. Mabilis naman s'yang nakarating at halos pagabi na din kasi. Nag-doorbell s'ya at agad naman na may lumabas para pagbuksan s'ya ng pinto. "Oh! Ikaw pala Sir DAKZEIN,pasok po." Bungad sa kan'ya ni Manang Gloria na s'yang nagbukas ng pinto para sa kan'ya. Ibinukas pa nito ang gate. Dahil nasa loob pa ang naka-duty na security guard at kumakain. "Magandang gabi po Manang! Masayang pagbati pa ni Dakz dito. "Magandang gabi din sir,ano nga po pala ang sadya mo at ganitong oras ay nagpunta ka dito?" Ganting pagbati din ni Manang. Nagtataka din ito dahil bihira naman pumunta sa kanila ito ng ganitong alanganin na oras. "Nandito na po ba si Mara?" Tanong pang muli ni Dakz habang naglalakad sil

