"Sarhento, maupo ka nga muna at huminahon,wala na tayong magagawa pa kung nagawa nilang magpakamatay. Pagkakataon na sana na nila ito para magbagong buhay. Sinayang pa nila." Saad ni Syd na nanghihinayang din talaga sa dalawang suspect na nahuli nila. "Tama ka buddy,pero sino kaya talaga ang malaking grupo na nasa likod ng pananambang sa atin." Pagsang-ayon pa ni Dakz sa sinabi ni Syd at iniisip pa din talaga n'ya ang mastermind ng nangyari sa kanila. "Nakakabilib ang grupo nila,dahil ang lakas ng loob nila na sa mismong harap pa ng presinto tayo tambangan." Sabi pa ni Syd. "Matitimbog din natin ang grupo na yan," puno ng determinasyon na wika pa ni Dakz. "Mabuti nga at hindi na-trauma si Ganda sa nangyari kahapon." Sabi pa ni Syd na si Xia na naman ang nasa isip. Nahihiya kasi s'ya

