Chapter 38: Distance Matapos na kausapin ni Tyler ang kanyang Lolo ay mas lalo kong na-realize na ang paggawa ng mabuti ay nakakatulong pala sa pamilya mo na namayapa na. Mas higit pang tumatak sa aking puso ang huling sinabi ni Lolo Lorencio. Tama siya, instrumento ng bawat isa ang isang tao. Hindi aksidenteng nakilala ko lang sina Tyler. At hindi insidenteng magkaklase kami. Masasabi ko talagang it was our fate to meet. Tadhana naming mayroong gagawin at tadhana naming subukan ng ganito. "Gab, kain na tayo." Tawag sa akin ni Kristen, "mauna kana sa mesa ha. Tatawagin ko muna si Tyler sa kanyang kwarto." "Sige." Umakyat si Kristen sa second floor. Dahan-dahan akong tumayo at maingat na naglakad papunta sa mesa. Maraming niluto si Kristen at hindi ko alam kung maaubos namin ang laha

